^

PSN Showbiz

Bea at John Lloyd, may pang-MMFF?

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Bea at John Lloyd, may pang-MMFF?
John Lloyd at Bea
STAR/File

Tanggapin kaya nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz ang isang possible Metro Manila Film Festival project na inihahain sa kanila?

Kumahog na ang lahat kasi may June 14 deadline ng scripts, at Sept. 30 na finished film submissions para sa Metro Manila Film Festival 2024.

Ito ang 50th Edition na ang magiging punong abala ay ang Lungsod ng Maynila. Palakihan ng star power ang nagpapahiwatig sumali: Kathryn Bernardo and Alden Richards, Vic Sotto and Bong Revilla, Vice Ganda and Michael V, Dennis Trillo at Jennylyn Mercado at marami pang iba.

Sana talaga magaganda ang gagawin nilang pelikula!

PASABOG!

Ngayon na ang pag-ere sa GMA ng It’s Showtime at aabangan ng lahat ang mga pasabog at grand welcome ng Kapuso network sa isang Kapamilya production.

Sinu-sino kaya sa mga major Kapuso stars ang magge-guest?

Lahat ay nakatutok sa magaganap na duelo ng tanghalian between It’s Showtime and Eat Bulaga!

Si Alden Richards kaya na naging major part ng Eat Bulaga, ever magsho-Showtime kaya?

Chiz, fake news ang stroke!

Grabe ang balitang na-stroke si Senator Chiz Escudero.

Ang tanong ng mga tao, dala ba ito ng matinding init na rin? Or stress?

May nagsabing pinsan ni Senator Chiz na hindi totoo.

Kung ganoon, saan nanggaling ang balita?

Kung anuman, ingat-ingat talaga tayo dahil ang daming mga kasong ganito ngayon.

Hydrate, hydrate and hydrate and yes, samahan ng dasal lagi at kabutihan ang ating buhay!

Sparkle loveteams, kabado?!

Sa bentahan ng ticket na VFons Productions, mache-check online na ang dami pang natirang tickets for sale sa ginawang Sparkle concert with the JulieVer (Julie Anne San Jose at Rayver Cruz), RuCa (Ruru Madrid at Bianca Umali) at BarDa (Barbie Forteza at David Licauco) loveteams.

Anyare? Na-flood ang social media ng shoot ng mga Sparkle talents sa Banff at iba pang lugar sa Canada, pero may dependable paying fans ba ang loveteams na ito parang bumili ng ticket at pa-kitain ang concert?

Nakakakaba, ‘di ba?

Mark, inungkat ang misunderstanding kay Lolit!

Nakakaloka naman na pati ang ‘di pagkakaunawaan ni Mark Herras at ang former manager niyang si Lolit Solis ay nauungkat pa ngayon.

Sana mas pasasalamat na lang at malinis at masayang moving on.

Pero balik tayo sa issue kay Mark, bakit ba bumaba at stunted ang growth niya bilang artista? Management ba ang problema o siya na rin?

Just asking.

Nakakata-quote:

“I’m single.” - Sarah Lahbati, in reaction to a viral photo of her and a mystery man in Hong Kong

vuukle comment

BEA ALONZO

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with