^

PSN Showbiz

Jericho, pasok sa Cannes!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Jericho, pasok sa Cannes!
Jericho Rosales
STAR/File

“Pack your bags team, we’re headed to Cannes. Open the prison gates, bring me a decent shirt and some cash,” ang sabi ni Jericho Rosales sa kanyang post with his photos sa kanyang serye na Sellblock na for a while ay natigil ang taping.

You mean, officially qualified na ang Sellblock sa Cannes?

Ang sabi’y LA’s Blue Fox Entertainment has boarded the show Sellblock and will launch it at the final ever MIPTV next week in Cannes, France.

Ang saya naman for this project by Jericho which took time rin to finish. At least may magandang kinahinatnan din itong major effort na ito!

Now, excited tayong malaman, ano ang bagong teleserye project under Dreamscape?

Wishful thinking naman ito siguro: Kathryn Bernardo kaya ito?

Ervic, may libreng pa-facial!

Nakakaaliw si Councilor Ervic Vijandre ng San Juan dahil he has come to his own sa mga projects niya sa kanyang constituents. Libreng facial treatments, libreng gupit, dental mission, libreng merienda; pati kaya libreng pagpapatuli ay gagawin na rin niya?

Iba talaga ang demands ng local government. Derecho sa tao ang serbisyo.

Mas ok na ba rito sa public service si Ervic kaysa sa showbiz?

Mukha naman, ‘di ba?

Pero it would be nice kung makita pa rin siya sa TV paminsan-minsan.

Final requirement sa mga sasali sa MMFF, iibahin na!

Parang ang daming nagbabalak sumali sa 50th Metro Manila Film Festival this coming December.

Ito na lang kasi ang kumikita nang malaki na film festival sa bansa.

Ano na nga ba ang final requirement, script ba muna like before o finished films na lang talaga?

Malalaman mamaya ‘yan sa meeting ng MMFF Execom na ang resulta’y lubos na hinihintay ng ating industriya.

Sinu-sino na ba ang nagbabalak sumali: Alden Richards at Kathryn Bernardo ba? Vice Ganda? Vic Sotto ulit at Bong Revilla?

Basta kahit sino, basta maganda, ‘di ba?

Mark, papasukin na ang paghuhubad!

Mark Herras, ang 1st Ultimate Male Survivor ng patimpalak na StarStruck noong 2003, totoo bang magsi-sign up na sa Viva?

Sinabi ni Mark sa isang recent interview na, “Kapag iniisip ko in like a month or two baka wala akong puwedeng gawing trabaho, kasi kung ngayon pa nga lang na hindi pa nag-aaral ang anak ko ay may oras na, ang hirap ha, ang hirap ng buhay ng tao.”

Ramdam na ngayon ni Mark ang kakaibang responsibilidad.

Bakit kaya hindi napanatili ni Mark ang kanyang premium bilang celebrity at aktor?

Matatandaang sina Jennylyn Mercado at Marian Rivera pa nga ang nali-link sa kanya noon, anyare?

Noon lead siya, ngayon support na lang, maibabalik ba ng Viva or Vivamax ang ganu’ng ningning niya ulit?

Tingnan natin.

Nakakata-quote:

“NOW, FOR THE MUCH NEEDED FAMILY TIME…

Du’n tayo sa FOREVER. God and Family are Forever!!!”

- Hidilyn Diaz, Philippines’ First Olympic Gold Medalist

vuukle comment

JERICHO ROSALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with