^

PSN Showbiz

Dennis, inokray si Tom!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dennis, inokray si Tom!
Dennis at Tom
STAR/File

Ex ni Carla, super moved on na

Aliw ang ginawa ng aktor na si Dennis Trillo na hindi pinalampas ang nag-viral na song cover ng katrabahong si Tom Rodriguez.

Nag-post ang mister ni Jennylyn Mercado ng video kung saan nili-lipsync niya ang cover ni Tom ng kantang Versace on the Floor ni Bruno Mars.

Pero ang twist ay gumamit si Dennis ng Minnie Mouse filter na naging komento ng netizens sa cover ni Tom na para raw itong si Mickey Mouse sa pagkakakanta. “Beh…Sache,” caption niya sa TikTok video.

Pinagpiyestahan kasi ng netizens ang video ni Tom na kung saan bigay todo raw ang birit nito na parang iniipit ang boses. Sinabihan pa siyang sintunado at beki.

Hindi naman napikon si Tom at sinakyan ang mga biro ng netizen at gumawa pa ng panibagong video kung saan tila nagpa-panic siya kung paano ide-delete ang na-upload na video.

Umani nga ng milyun-milyong views ang cover ni Tom na talagang kinaaliwan ng mga viewer.

Kaya naman isa ang mister ni Jennylyn sa ‘di napigilang gumawa ng nakakaaliw na video tungkol dito.

Hirit naman ng netizens ay My Husband’s Lover Season 2 na pinagbidahan nina Tom at Dennis noon.

Hilig din ni Dennis ang mag-post ng mga nakakatawang TikTok skits na kinagugulat ng misis na walang alam sa mga ginagawa niyang video. Kaya biro ng netizens ay palitan na raw ni Jennylyn ang password ng kanilang WiFi para hindi na makakonek ang mister.

Samantala, mukhang naka-move on na talaga si Tom sa naging hiwalayan nila ng kanyang ex-wife na si Carla Abellana.

Kasalukuyan na nga raw siyang may dine-date ngayon pero this time raw ay magdadamot na siya sa kanyang lovelife.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with