^

PSN Showbiz

Yakapan nina Alden at Kathryn, bentang-benta

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Yakapan nina Alden at Kathryn, bentang-benta
Kathryn at Alden
STAR/File

Sumasabay sa sobrang init ng panahon ang KathDen fans sa nag-trending na mga kuha nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa nakaraang post birthday party ng Kapamilya actress.

Ang mga stylist ni Kathryn na sina Boop at Kimi Yap ang nag-organize ng post-birthday party na ginanap sa TGIS Studio by KCMB sa Quezon City na pag-aari ni Kathryn.

Para raw ‘yun sa mga kaibigang hindi nakadalo sa birthday party niya na ginanap sa Palawan.

Pero ang isa pala sa naimbitahan na nakadalo naman sa Palawan ay si Alden Richards.

Sa kumalat na video ng naturang event, kitang-kitang sobrang na-surprise ang actress sa pagdating ni Alden.

May dalang gift si Alden at bouquet of Ecuadorian roses.

May kuha rin sa bar na may nagpi-picture sa kanilang dalawa. Ang daming kinilig sa mahigpit na pagkayakap sa kanya ni Alden.

Kaya nag-trending ito sa X kahapon, at hindi talaga nagpatalo sa biglang pag-trending din ng malakas na lindol na tumama sa Taiwan.

Sa tingin ko ang ibang mga KathNiel fans ay naging KathDen na.

Kinorek naman ako ng ilang fans ni Kathryn na sila raw na loyal fans ni Kathryn ay KathDen fans pero nandiyan pa rin naman daw ang KathNiel na malakas pa rin.

Dahil sa umiinit na tambalang KathDen nina Kathryn at Alden, inaabangan tuloy ang sequel ng Hello, Love, Goodbye.

Pero sabi ng ilang napagtanungan ko sa kampo ni Alden, hindi pa raw nila masasagot sa ngayon dahil magiging abala na si Alden sa historical drama series nitong Pulang Araw at marami pa rin siyang ibang commitments.

Sa pagkakaalam ko, meron ding ibang sisimulan si Kathryn. Ang ilan sa committed siya ay ang pelikulang Elena 1944.

Parang ganito rin ang tema ng Pulang Araw ni Alden, ‘di ba?

Vivamax star, hinahanap ang tatay!

Nagugulat na lang ako sa rami ng mga bagong artistang inilunsad ng Vivamax.

Hindi ko na matandaan ang pangalan ng mga bagong mukhang ito. Basta maganda, guwapo, sexy at daring, may karapatang maging Vivamax star.

Ang isa sa inilunsad ay ang 19-year-old FEU student na si Angeline Aril.

Maganda si Angeline, na mala-Francine Prieto ang beauty.

Gustung-gusto raw talaga ng Mommy niya na mag-artista, kaya pinagbigyan niya itong sumali siya sa acting workshops. At mabuti na-discover naman siya ng Viva Films at binigyan siya ng break sa pelikulang Cheaters na nag-streaming na nung Martes, April 2.

Kasama ni Angeline dito sina Aerol Carmelo, Kara Fernandez at John Mark Marcia, sa ilalim ng direksyon ni Dustin Celestino.

Sabi ni Angeline nang sandali naming nakatsikahan sa media conference ng naturang pelikula, minsan pa lang daw siyang nagka-boyfriend at wala naman daw cheating na nangyari kaya sila naghiwalay.

Pero produkto raw siya ng broken family na cheating ang dahilan.

Kasama na niya ngayon ang kanyang ina, at matagal na raw niyang hindi nakikita at wala na raw siyang balita sa kanyang ama. Wala na raw siyang galit sa kanyang ama kaya gusto na raw sana niyang makita ito ulit.

“Pero I’m not mad sa father ko. Tina-try ko siyang i-reach out, but ayun wala.

“Ako mismo ‘yung naghahanap sa kanya. Kasi gusto ko… siyempre tatay ko pa rin, ‘di ba?

“Habang tumatanda kasi ang tao, ‘di ba? Gusto ko sana magkaroon pa kami ng maraming time. Pero hindi ko kasi siya ma-reach out,” dagdag niyang pahayag.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with