^

PSN Showbiz

Vice at Kuya Kim, may chance ang back-to-back spiel

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Vice at Kuya Kim, may chance ang back-to-back spiel
Kuya Kim at Vice Ganda
STAR/File

Back To Back na ang TikToClock at It’s Showtime starting April 8, Monday, hindi lang sa GMA kundi pati na sa GTV.

Exciting ang magi­ging tapatan na ito with the formidable Eat Bulaga on TV5.

Ang excit­­ing din na puwedeng mangyari, puwede kayang magback-to-back spiel ang dating magkasama sa It’s Showtime na sina Kuya Kim Atienza at Vice Ganda para sa masayang segue from TikToClock?

With the arrangement now, anything can happen.

Regine, pinalalakas ang katawan para sa concert

Puspusan na ang pagte-training ng Asia’s Songbird sa kanyang Regine Rocks The Repeat on April 19.

Nakakatuwa ang paglalakad at physical fitness training nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez bilang preparation sa kanyang stamina at strength.

Kung ang isang actress-comedian dati ay sinasabi na abstain siya sa sexual activity kapag may major project like a concert or a film, ganoon din kaya kay Madame Regine Velasquez-Alcasid?

At nakakatuwa talaga ang sinasabi niyang crush niya talaga ang trainor niya ha!!!

Miles at Kiko, ayaw umamin kung single!

Nakakabilib lang ang pagkabiba ng “Padyak Princess” na si Miles Ocampo sa kanyang talent sa pagkanta at pagpapatawa ha, at kinakantiyawan at tinutukso siya ng mga Dabarkads sa Eat Bulaga guest kahapon na si Kiko Estrada na star naman ng isa pang TV5 soap na Lumuhod Ka Sa Lupa.

Nag-iinit at kinikilig ang mga tao sa studio – at hindi nila kapwa masagot kung single nga ba sila?

Puwede ba silang ma-link sa isa’t isa?

Hindi ba nagkabalikan sina Miles at Elijah Canlas?

JulieVer, RuCa at BarDa, susubukan ang hatak!

Nasa Canada na ang Kapuso stars for their Sparkle concert tour.

Alin sa tatlong love teams kaya ang pinakamalakas ang impact – ang JulieVer (Julie Anne San Jose at Rayver Cruz), ang RuCa (Ruru Madrid at Bianca Umali) o ang BarDa (Barbie Forteza at David Licauco)?

Tauhin kaya sila ng paying audience – lalo pa’t ang Pinoy TV ang naghahari ngayon?

Sukatan talaga ito ng lakas ng hatak ng GMA Sparkle kaya lahat ay wait and see!

Nakakata-quote:

“Happy 20th birthday dolls Popoy at Mimay.” – Rita Avila

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with