^

PSN Showbiz

Paulo, JM, at Kim, may bagong pasabog!

Pilipino Star Ngayon
Paulo, JM, at Kim, may bagong pasabog!
Nilikha ni Justin Besana ang bagong poster kung saan makikita ang mga bida ng serye na nakasuot ng mga suit at gown habang may basag na salamin sa pagitan nila.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sasagarin na ang gigil ng mga manonood sa Linlang: The Teleserye Version pagkatapos nitong maglabas ng magarbong mid-season poster tampok ang mga bida ng serye na sina Paulo Avelino, JM De Guzman, Kim Chiu, at iba pa nilang co-stars.

Nilikha ni Justin Besana ang bagong poster kung saan makikita ang mga bida ng serye na nakasuot ng mga suit at gown habang may basag na salamin sa pagitan nila.

Inulan ng papuri ng netizens ang naturang poster at ibinahagi nila ang kanilang sabik na mapanood ang kaabang-abang na mga rebelasyon sa Kapamilya teleserye.

Sa pagpapatuloy ng kwento ngayong linggo, lalong naging komplikado ang relasyon nina Victor (Paulo) at Juliana (Kim) dahil mainit pa rin ang dugo nila sa isa’t isa at hindi sila nagkakasundo sa pagdadalang-tao ni Juliana.

Madadagdagan pa ang problema ng mag-asawa dahil determinado si Alex (JM), ang kabit ni Juliana, na makasama ito habang-buhay kaya gagawin ni Alex ang lahat para pabagsakin si Victor at tuluyan na itong mawala sa buhay ni Juliana.

Pumatok ang Linlang sa mga manonood nang ipalabas ito sa streaming platform na Prime Video noong 2023 at naging number one show sa Pilipinas. Usap-usapan ang serye online at parati rin itong trending dahil sa pasabog na mga eksena at rebelasyon sa kwento na umiikot sa panloloko at paghihiganti.

Sagarin ang gigil gabi-gabi ng 8:45 p.m. pagkatapos ng FPJ’s Batang Quiapo sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

vuukle comment

JM DE GUZMAN

KIM CHIU

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with