^

PSN Showbiz

Ivana, nagbenta ng sampaguita para sa Antipolo Church

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ivana, nagbenta ng sampaguita para sa Antipolo Church
Ivana Alawi

Mga imposibleng dasal natupad

Mas may meaning ang vlog ni Ivana Alawi.

Kahit na nga anong intriga sa kanya sa lovelife niya, at the end of the day nagsi-share siya ng blessings.

Recently ay nag-ikot siya sa paligid ng Antipolo church at nagkunwaring sampaguita vendor. Ang mga bumili ay tinulungan niya at binigyan ng datung.

Bukod pa sa ang kikitain daw ng nasabing vlog ay ido-donate ni Ivana sa simbahan.

Ayon sa sexy actress, meaningful sa kanya ang Antipolo Church dahil nag-aalay lakad sila noon ng kapatid niya mula Sta. Mesa all the way to Antipolo. “So, umabot kami ng eight hours sa paglalakad kasi hindi namin alam ‘yung daan. Tas nagsimula kami ng madaling araw, so wala kaming mga kasabay. Naalala ko, habang naglalakad ako papunta sa simbahan na ‘yon ay nagwi-wish ako. May hinihiling talaga ako kay Lord na parang ‘Lord, sana matupad ‘tong pangarap ko,’” pagkukuwento niya.

Mga imposible raw ang pinagdasal niya, pero natupad. “Guys, tinupad ni Lord ‘yung pangarap ko. Hindi ko na ikukuwento kung ano ‘yun pero tinupad Niya.”

At regular daw siyang nagpupunta hanggang ngayon sa Antipolo church. “Marami akong ipinagdarasal dun, pumupunta ako lagi. Kahit ito, recently. Pumupunta ako sa Antipolo church, magsisindi ng kandila, magdarasal, tas magpapasalamat talaga kasi, ewan ko, sobrang malapit talaga ako sa simbahan na ‘yon.”

Nakakabilib si Ivana na kumakapit talaga sa pagiging Katoliko hindi katulad ng ibang artista na hindi na pumapasok sa simbahan.

May 7.4 milyong pilgrims ang sumama sa Alay Lakad o religious pilgrimage sa Antipolo Cathedral noong Huwebes Santo, na higit daw sa isang milyon kaysa sa kabuuan noong nakaraang taon.

 Ang mga pilgrim na ito ay nakibahagi sa mahabang paglalakad papunta sa Cathedral na may paniniwalang sila ay nakikibahagi sa pagdurusa ni Hesus sa panahon ng kanyang pagdurusa.

vuukle comment

ACTRESS

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with