^

PSN Showbiz

Gabby, ‘nanay’ ang tingin kay Marian!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Gabby, �nanay� ang tingin kay Marian!
Gabby Concepcion at Marian Rivera

Na-miss ng fans si Marian Rivera na umaarte sa TV kaya tila inabangan nila ang pagbabalik ng GMA Primetime Queen via My Guardian Alien na nagsimula noong nakaraang Lunes, April 1.

Naka-11.1 percent ito.

Nag-trending din sa X ang hashtag na Marian Rivera. Nakikita kung gaano siya sinuportahan ng fans.

Hindi na ganun kataas ang viewership sa TV kaya mataas na ‘yung maka-double digit ka.

Sabi ng ilang cast na bahagi ng naturang fantasy drama, maganda ang samahan nila sa set, kaya ang positive lang at walang kanegahan.

Bukod sa magandang samahan sa set ay tumatak sa mga member ng cast ang madalas na pagdadala ni Ma­rian ng pagkain sa kanila.

Isa nga sa pumupuri kay Marian ay ang leading man nitong si Gabby Concepcion na natutuwa rin sa pagpapakain sa kanila ng Kapuso actress.

“Masarap kasama ‘yan dahil parati nagpapakain. Napaka-generous. Talagang ano siya, nanay ng pamilya talaga. Lahat pinapakain niya,” pahayag ni Gabby.

Nangako si Gabby ng all-out na suporta sa first project na pinagsamahan nila ni Marian.

“Dito lang ako para suportahan si Marian sa pagbalik niya. Para matuto kay direk sa kagali­ngan niya at sa kagalingan ng mga cast,” sabi pa ni Gabby.

Kahit ang bagets na si Raphael Landicho ay nag-e-enjoy kay Ate Yan niya na madalas niyang ka-partner sa pagti-TikTok.

Forte ng GMA 7 ang fantasy, na nung una ay hindi naniniwala si Marian na meron talagang nag-i-exist na alien. Pero nang ginagawa niya ito, parang kapani-paniwala na dahil sa ganda raw ng kuwento nito.

Zephanie, nagbigay ng suporta

Napapag-usapan ang suporta, nagpahayag ng support ang Pop Princess na si Zephanie sa bagong artist ng Cornerstone na si Giuliana Chiong.

Si Giuliana ay isa sa semi-finalists ng season 5 ng The Voice Kids PH sa ilalim ng coach nitong si Martin Nievera.

Kararating lamang ni Giuliana galing China na kung saan isa siya sa nag-guest sa musical show doon na Rising Voice. Nakakasama niya ang ilang promising singers mula sa iba’t-ibang Asian countries kagaya ng Malaysia at Singapore.

Kinuhang talent ng Cornerstone si Giuliana at isa si Zephanie sa nag-welcome sa kanya.

“I know that we just met today, but you can always like reach out to me and I’m open to like to be with you in this journey. Because that’s what I also experienced with Cornerstone with my friends, mga kuyas and ates natin sa industry,” buong katapatang mensahe ni Zephanie sa 13-year-old singer ng Ozamiz City.

Nai-tape na ni Giuliana ang performance niya sa Rising Voice sa Beijing, China at maganda ang feedback sa kanya.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with