^

PSN Showbiz

Hirap magpatawad...Kathryn todo na sa pagpapa-sexy, ginawa ang mga binawal noon ni Daniel

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Hirap magpatawad...Kathryn todo na sa pagpapa-sexy, ginawa ang mga binawal noon ni Daniel
Kathryn Bernardo

Grabe ang init ngayon - to the point na may mga klase pala na pinag-oonline ngayon.

Sinabayan naman ito ng hot pictorial ni Kathryn Bernardo sa Mega cover this April.

Hindi ba’t ito ang hindi niya magawa noong sila pa ni Daniel Padilla?

Huwag na sanang sabihin pang nagwawala si Kathryn dahil mahirap ibalik ang tanong - sino ba sa kanila ang nagwala?

Karla may pasaring sa Face 2 Face

Grabe rin ang init ng episode ng Face 2 Face kahapon na may title na Ang Playboy Na Tomboy.”

Katuwaan lang : sa Trio Tagapayo nila - pinag­halong Eddie Ilarde (sa itsura at lalim ng boses) at Ike Lozada ang dating ni Dr. Love. While si Doc Camille Garcia ay puwedeng pumasa bilang nanay ni Madonna Tarrayo na Boss ng Unitel. Si Atty. Lorna Kapunan ay dati pang nasasabihan na. Kawangis ni Mahal.

Sabi sa naturang FACE-2-FACE episode, ang karaniwang ibinibigay ng korte sa nagtatalong couple ay 6 months na cooling off period, and sabi nga let love take its real course.

Dahil si Karla Estrada na ina ni Daniel ang host, ang tanong tuloy ay dumaan ba sa 6 month cool off sina Daniel at Kathryn? Pero nakakapagtaka ang extro spiel ni Karla, habang ang episode ay tungkol sa pagpapalaya, ang sabi niya, “Ang pagmamahal ay walang itinuturing na kasarian, kapag nahanap mo na ang huwag mo nang pakakawalan.”

Eh paano ‘yun, taliwas yun sa naganap na diskusyon na kung mahal mo talaga ang tao, palayain mo na siya, lalo pa’t hindi na kayo masaya at mabuti

sa isa’t isa.”

So merong not listening sa episode na iyun kahapon?

Allen Dizon, na-enjoy ang panghihipo ni Whang Od

Nakakatuwa ang naging reaksyon ni Allen Dizon sa pagpapatattoo niya kay Whang Od. Sabi niya, it’s an honor na matatoo-an ng National Artist na si Whang Od.

Of course alam na nating ang kasama sa ganoong pagpapatattoo? Kumusta ang pagpapahipo ni Allen kay Whang Od? Well, kitang kita ang mahiwagang kamay ng kilalang tattoo artist sa harapan ni Allen.  Walang issue kay Allen iyun at mukhang nag-enjoy at nakatawa pa siya!

Ang saya ng naging session nila! Ang tanong lang - National Artist na ba talaga si Whang Od?

Naunahan pa talaga sina Dolphy at Ate Vi?

Nakakata-quote:

“Ang lalim kasi ng word na forgiveness. For me, you can forgive people who deserve it. But when I forgive you, it doesn’t mean that I have to keep you in my life. I forgive you for my peace of my, for clarity, and for everything. But it doesn’t mean puwede ka nang bumalik.” - Kathryn Bernardo on forgiving Daniel Padilla

vuukle comment

ACTRESS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with