^

PSN Showbiz

Pulitiko, nag-ala John Lloyd sa billboard noong Semana Santa!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Tapos na ba talaga ang bakasyon?

Sa gitna ng traffic sa daan, isang mukha ang nagkalat ang billboard noong Semana Santa.

Sino siya? Siya ‘yung nagpaka-John Lloyd Cruz na INGAT… sa Biyahe!

Totoo kayang bisyo niyang magserbisyo nang may pa-billboard?

Go go go!

Movie nina Juday at Angelica, inisnab ng kanilang produ

Sama-sama ang mga magkakaibigan sa bakasyon: Judy Ann Santos at Angelica Pa­nganiban kasama ng kanilang pamilya – Ang Dalawang Mrs. Reyes!

Ang sayang tingnan na tuluy-tuloy ang kanilang pagkakaibigan kahit natapos na ang kanilang pelikula.

Pero ang tanong, bakit hindi makakasama ang pelikula nila sa 10th Anniversary Celebration ng IdeaFirst Company?

Anyare?

Willie, uunahan ang election campaign ban

Nakita ring magkakasama sa rest house ng TV Host na nagsabing tatakbo bilang senador na si Willie Revillame sina John Estrada at Priscilla Meirelles, Coco Martin, at Cherry Pie Picache.

Ano ang konek-konek? FPJ’s Ang Probinsyano at Batang Quiapo.

Pero may bahid na alignment na kaya ito para sa eleksyon?

Nakita rin kasing kasama si Sam Verzosa (na partylist representative) sa isang picture nila.

Oh well, abangan ang susunod na kabanata!

At si Kuya Wil, tuloy na tuloy na ang paggawa ng show sa TV5 bago ang election campaign ban sa media celebrities?

Let’s wait and see.

Alden, napaawit para kay Kathryn

“Panis. Happy birthday, Kath. ‘Di ko ginagawa ‘to, putek!” wika ni Alden Richards sa video ng kanyang pagkanta ng Bakit Ngayon Ka Lang kasama ni Kakai Bautista para sa birthday ni Kathryn Bernardo.

Potek? Hehehe, tuloy na nga ba ang sequel ng kanilang successful movie na Hello, Love, Goodbye? Ano pa nga ba ang pumipigil dito?

Game na!

Nakakata-quote:

“Never went on a honeymoon but this trip seems like it. Thank you Honey.”

Ito ang pahayag ni Gelli de Belen sa Florence para sa asawang si Ariel Rivera sa kanilang trip sa Italy.

vuukle comment

ALDEN

KATHRYN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with