^

PSN Showbiz

Kapuso stars, wala pang pa-welcome post sa Showtime!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Tameme nga ba ang GMA stars and TV Production people sa pagdating ng It’s Showtime sa Kapuso network?

Bukod sa mga boss na present sa contract signing, we’ve yet to hear and see a post from die-hard Kapuso na madalas may opinion sa social media.

Wala bang pa-welcome post ang mga posteng Sparkle stars sa bagong noontime show sa bakuran gayung nasa frontline ang kanilang Sparkle boss?

Feel bad ba ang Creative Team ng entertainment TV na naghahanda raw sana ng papalit na noontime show ng TAPE?

Mga celeb, aktibo sa pakikipaglaban para kay Killua

Naglabasan ang animal lovers against animal cruelty dito sa panawagang #JusticeForKillua kasama na dyan sina Carla Abellana, Agot Isidro, Cherry Pie Picache at Cedrick Juan.

Ang tanong – ano ang mas mainam na protektahan at ipaglaban: mga tao o hayop? Pareho dapat, ‘di ba?

Sa tingin n’yo, ganito rin kaya karubdob ang reaksyon ng mga kababayan natin kapag usapang tao na ang ipinaglalaban? Sana naman ‘no?

Karanasan ni Arci sa eroplano, saktong paalala sa mga magbabakasyon

Ngayong naghahanda na sa Holy Week vacation ang karamihan, magandang matuto sa nangyari kay Arci Muñoz sa isang flight?

Alam n’yo bang malaganap ang sindikato na nag-aabang ng mananakawan sa mga midnight or early morning flights na karamihan ay natutulog?

Ingat daw sa mga may belt bags na nilalagay sa bag bin, dahil habang inaabot ang bag sa itaas ay baka kinakalikot na rin ang laman ng inyong gamit.

At alam niyo bang ang mga credit at debit cards at madali na nilang nade-decode ang mga password?

Kaya ingat talaga!!!

Bimby, inisnab ang career

“Bimby chooses mom Kris Aquino over career in Ph.”

Ano ba dapat ang gagawin ni Bimby dito sa showbiz, acting sa teleserye, sitcom o pelikula?

May commercials bang naghihintay?

At naka-first base man lang ba at napagdesisyunan na kung ano ang screen name na ipapalit kung sakali sa Bimby?

Mukhang Bimby made the right decision sa ngayon.

Family first talaga!

Willie, wala pang show sa TV5!

Totoo bang nakikipag-usap si Willie Revillame sa TV5? Sabi ng source natin, oo, may pag-uusap daw na nagaganap.

Pero may show na ba siya o may gagawin na sa TV5?

Waley pa naman daw. Usap pa lang talaga.

Nakakata-quote:

“I’m really happy for my It’s Showtime family. May the transfer pave the way for another 15 years as Kapuso then more! I congratulate my inaanaks, my dearest friends I worked with every single day then. They will always be family to me. Group hug to my It’s Showtime family. You will always be close to my heart!” – Kuya Kim Atienza

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with