^

PSN Showbiz

Anne, surreal ang pakiramdam sa pagbalik sa Kapuso

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Anne, surreal ang pakiramdam sa pagbalik sa Kapuso
It’s Showtime hosts
STAR/File

MANILA, Philippines — Ang magkasunod na tweet ni Anne Curtis tungkol sa It’s Showtime na “We are so grateful” at “Surreal.”

Sino ba naman kasi ang mag-aakalang dara­ting ang araw na mapapanood sa GMA 7 ang noontime show ng ABS-CBN.

Binuking lang si Anne ng isang Kapamilya fan, absent daw siya sa It’s Showtime, pero present sa contract signing. Ang wish pa ng fans niya, maging daily na ang pagho-host niya sa show.

Nakakatuwa si Ogie Alcasid na walang tigil ang kabi-video kahit noong papunta palang sila sa GMA Network sakay ng float. Kahit noong nasa studio 7 na kung saan naganap ang contract signing, tuloy ang pagbi-video niya.

Wala pang paramdam si Ka­rylle, gusto kasing malaman ng fans kung ano ang masasabi niya sa muling pag-apak niya sa GMA Network.

Nanggaling sa GMA sina Anne, Ogie at Ka­rylle bago sila napanood sa It’s Showtime.

Anyway, marami ang masaya na mapapanood na sa GMA 7 ang IS, pero may Kapamilya at Kapuso fans pa rin na ayaw sa collab na ito.

May mga rason sila, pero ang importante, mas marami ang natutuwa na simula April 6, sa Kapuso network na mapapanood sina Vice Ganda and IS Gang!

Ang saya-saya nina Vice kahit noong nasa float pa lang sila, kinanta nila ang theme song nila.

David, kinakahiya ang GF?!

Nakaiwas sa bashing sina Barbie Forteza at Jak Roberto nang i-post ni Jak sa kanyang Instagram ang photos nang mag-celebrate ng kanilang monthsary. Ito ay dahil limited lang ang puwedeng mag-comment sa IG niya at bawal ang bashers.

Sa isang photo, nakayakap pa naman si Barbie kay Jak na siguradong hindi nagustuhan at pinagselosan ng ilang BarDa fans nina Barbie at David Licauco. Sigurado rin kami na kung free for all ang comment box ni Jak, pinuna at pinintasan ang pinagsaluhan nilang food sa kanilang monthsary celebration.

Makakabasa kami ng mga comment na ‘yun lang ang na-afford ni Jak na food na kinain nila ni Barbie. Sure rin na may magko-comment na kung si David ang boyfriend nito, sa mamahaling resto ang kanilang date.

Kaso lang, si Jak at hindi si David ang boyfriend nito. Ang nababasa namin, may girlfriend si David, hindi lang niya inaamin sa mga interview sa kanya. Bagay na nirerespeto at tanggap ng fans nila.

Painting ni Heart, nasa rolex na rin!

Hindi na lang sa Hermes bags makikita ang paintings ni Heart Evangelista, nasa Rolex Day-Date na rin ang kanyang painting na pati siya, nagulat.

Pinost nito sa Instagram ang mamahaling relos na may painting niya at ang nasabi lang nito sa caption ay “My heart frozen in.”

Nakakatuwa ang reaction ng followers at fans niya sa panibago niyang achievement dahil totoo namang siya pa lang sa mga celebrity ang nabigyan ng honor gaya nito.

Ang mahal kaya ng Rolex, kaya may nagtanong kung may Ritemed version ba ang Rolex.

Ang ibig sabihin, kung may generic version ba ang relos na may painting ni Heart na kanilang mabibili.

Ang kasunod na comment ay “wag mahiyang magtanong” na part ng tagline ng Ritemed. May nag-comment pa na siya man ay nagha­hanap ng Ritemed version ng Rolex wristwatch. May nagbiro pang Casio lang ang afford niya, kaya hanggang tingin na lang siya.

Lumalabas na kung sinuman ang may-ari ng Rolex Day-Date wristwatch, pina-customize ng owner at sa ngayon, siya pa lang ang may ganu’ng kakaibang relos. Pati nga si Heart, walang ganitong relos na paintings niya ang dial.

Kung bibili ng ganitong klase ng relos, bale dalawa ang babayaran, ang Rolex Day-Date watch at ang paintings ni Heart at ibig sabihin, doble rin ang presyo. Good luck sa mga bibili!

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with