^

PSN Showbiz

Barda, kasali sa arigato filmfest!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Barda, kasali sa arigato filmfest!
Barbie Forteza and David Licauco
STAR/ File

Ang bongga naman pala ng upcoming film nina Barbie Forteza and David Licauco na That Kind of Love na napili bilang Spotlight Entry sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Nagoya, Japan.

Gaganapin ang festival sa May 25 at 26, at ipapalabas naman ang pelikula sa Philippine cinemas pagkatapos nito.

Lumipad pa-South Korea ang magka-love team nakaraang taon para i-shoot ang ilang eksena para sa pelikula.

Ang That Kind of Love ang unang pelikula ng love team nilang BarDa na nagsimulang sumikat sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Rhea Tan, tuloy ang pagpapaaral

Nakaka-happy ‘yung kindness ni Rhea Tan ng Beautederm. Talagang all out siya sa pagtulong sa mga bata na dapat makapag-aral pero walang pera ang mga magulang para matupad ang pangarap nila.

Talagang thoughtful at very kind si Rhea Tan kaya love na love siya na talagang nadarama ang pagmamahal niya.

Si Rhea Tan ng Beautederm talagang hindi lang pang-beauty ang alam, pati na ang wisdom ng mga bata gusto niyang mahasa kaya ang dami niyang scholars. Kaya naman mahal siya ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) kasi nga open ang puso niya sa pagtulong para sa mga programa nila Salve na kawanggawa.

Bongga  kaya naman number 1 ang Beautederm pagdating sa products na pang-ganda.

vuukle comment

BARBIE

DAVID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with