^

PSN Showbiz

Finally Kapuso na sila Vice... It’s Showtime, pinaplantsa na ang kontrata sa GMA 7!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Finally Kapuso na sila Vice... It�s Showtime, pinaplantsa na ang kontrata sa GMA 7!
It’s Showtime hosts
STAR/File

Totoo bang It’s Showtime sa GMA 7 ang i-a-announce soon?

Mukhang pinaplantsa na ang kontrata at magkakapirmahan na, dahil hindi naman puwedeng mabakante ang noontime slot ng GMA with such a wide reach.

So ibig sabihin, may resources na rin ang ABS-CBN para sa airtime rate sa GMA at ang ibig bang sabihin nito, malaya nang makakatawid ang ABS at GMA stars lalo na kung may pinalakas pang It’s Showtime na hindi lang pang-GTV kundi pang-GMA 7 na! Abangan!

Paano ang mga ABS stars na may show rin sa TV5, puwede rin kayang maggi-guest sa GMA kung sakali?

Ang saya lang na puwede nang magtawiran at magtulungan lahat-lahat kung sakali.

Concert nina Gary V. at Regine, mabilis ang galaw ng mga ticket

Pagkatapos ng concert ni Janet Jackson, totoo bang pukpukan ang bentahan ng MOA Arena shows nina Regine Velasquez at Gary Valenciano? Usap-usapan na ngayon pa lang na baka magkaroon na ng extension of the extensions dahil sa mabilisang demand ng tickets? Maganda ‘yan para sa OPM!

Arjo, hectic ang schedule sa mga ginagawang pelikula

Darating ang US-based Filipino filmmaker Isabel Sandoval para i-shoot her fourth feature na Moonglow, dito sa Pinas. Kilala si Isabel sa kanyang award-winning 2019 feature na Lingua Franca at heto na, isang pelikulang produced ni Alemberg Ang of the Philippines’ Daluyong Studios, with Tan Si En of Singapore’s Momo Film Co, Takahiro Yamashita of Japan’s Yaman Films and Nathan Studios ng Pilipinas. Ang bida rito ay si Arjo Atayde who also stars in the upcoming ABS-CBN crime series The Bagman and has recent credits including psychological series Cattleya Killer and movies including Erik Matti’s BuyBust and Richard Somes’ Topakk.

Ang tanong, with this hectic sked, paano nakakaya na balansehin ni Congressman Arjo ang kanyang pag-aartista at pagiging lingkod bayan?

Anne, Juday at Iza, babalik na rin sa teleserye

Nagbabalik teleserye na sina Bela Padilla at Cristine Reyes, pati nga sina Judy Ann Santos at Marian Rivera. Then nakalinya na rin sina Angelica Panganiban at Iza Calzado. Gaano katotoo na pati si Anne Curtis may nakatakda na ring gawing teleserye?

Maliban kay Bela, mukhang kailangan nang magtrabaho ng mga magagaling nating aktres na mga nanay na!

Ang saya ng industriya!

Nakakata-quote:

Truth.

And she better believe it.

“Stop thinking that we are enemies, I don’t care about you.” — Direk Joey Reyes

(Question: Kanino kaya dedicated itong post na ito)

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with