^

PSN Showbiz

Sharon, sinisi si Gabby sa naudlot nilang Valentine concert

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Sharon, sinisi si Gabby sa naudlot nilang Valentine concert
Gabby Concepcion at Sharon Cuneta
STAR/File

Kumuda na naman ang Megastar Sharon Cuneta tungkol sa hindi pagkakatuloy ng kanilang supposedly repeat concert ng ex-husband Gabby Concepcion na dapat ang title ay P.S. I LOVE YOU (after Dear Heart).

Ano ba talaga ang nangyari? Maayos na raw talaga ang mga plano with new songs and acts in the repertoire, bakit nag-fall through sa negotiations?

Naging honest lang daw ang Megastar sa pagsasabing wala sa panig niya ang problema. Nakanino, kay Gabby?

Ano ba talaga ang hinihingi ng panig ni Gabby at hindi natuloy ang kanilang Valentine show na na-announce na nila?

Paano na ang kanila World Tour supposedly? Dami nating tanong… eh just asking nga eh… Sa puntong ito ng kanilang career, kailangan pa ba nina Sharon at Gabby ng ganitong aberya sa buhay nila?

Tirso, nakapagpaalam sa kanyang board

So nag-resign na pala talaga si Tirso Cruz III bilang chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP)?

Bakit kaya? Ang official reason ay ang pagiging active niya ulit sa pag-aartista raw.

Understandable. Pero sino kaya ang hahalili sa kanya pansamantala?

For now daw ay si Rica Arevalo, ang most senior na Division Chief ng FDCP.

Nakapagpaalam naman daw nang maayos si Chairman Pip sa kanyang Board. Tinanggap ng Malacañang ang kanyang resignation. Ni-recommend daw niya bilang kapalit ang kanyang FDCP Technical Adviser na si Direk Joey Reyes.

Ang susunod na tanong: i-appoint naman kaya ng Malacañang si Direk Joey?

Piolo, sanay na sa pa-touchstone ng mga senior

Na-touchstone pictures na ni Apo Whang-od si Piolo Pascual at nakakatuwa ang reaksyon nilang dalawa nang mangyari ‘yun!

Parang wala namang malisya ang naganap at nagkatuwaan pa talaga sila.

Oh well, mukhang sanay naman si Piolo sa ganu’ng pa-touchstone sa mga senior sa kanya, ‘di ba? Wholesome lang.

Punchline na tanong ng mga katikatera: Ganu’n din ba ang feeling noong sila ng Concert Queen? Hindi ba marami pang na-link sa Ultimate Heartthrob na mas senior sa kanya?

Sabeeh?

Barkada movie ng OG Viva babies, inaabangan kung kikita sa takilya!

After Road Trip na pelikula ng magbabarkadang Janice and Gelli de Belen, Carmina Villarroel at Candy Pangilinan, here comes another barkada movie na ang sabi ay –they will make your life sunniest.

Ito ay based daw on the Korean hit movie – at kailangang abangan ang pagsasama-sama ng original Viva babies at ang newgen of stars in Sunny starring Vina Morales, Angelu de Leon, Candy Pangilinan, Sunshine Dizon, Tanya Garcia, Katya Santos, Ana Roces, Heaven Peralejo, Bea Binene, Aubrey Caraan, Abby Bautista, Ashtine Olviga, Ashley Diaz, Heart Ryan, Marco Gallo, and Xia Vigor.

Written by Mel Mendoza del Rosario. Directed by Jalz Zarate. Kakagatin kaya ito ng mga tao come April 10 – as much or more than Road Trip?

Sana kumita naman na ito, Lord!

Exhibitors ng 3 days... nina Jasmine at Barbie, ayaw sabihin ang masaklap na kapalaran ng pelikula

At ganun-ganun na lang, showing na pala kahapon sa mga sinehan ang 3 Days, 2 Nights nina Jasmine Curtis-Smith at Barbie Imperial with JM de Guzman.

At ang resulta? Waley maibigay na numbers ang exhibitors kasi ayaw nilang makasakit ng loob ng mga tao.

Nasaan na ang Pinoy audience aber?

Nakakata-quote :

“Lagi na lang late ang mga government agency. Nagre-react na lang kung nagiging viral ang issue. Paano naitayo itong nakaririmarim na resort na ito na hindi nila alam??? Sa kulay pa lang ng mga bubong na yan, wala silang nakitaaaaa? Unless nasa loob sila ng aircon na kwarto ng resort na ‘yan at nagpapasarap.” – Ces Quesada, actress

vuukle comment

CONCERT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with