^

PSN Showbiz

Paghuhubad ni John Cena, hinihintay na gayahin ng pinoy actor

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Paghuhubad ni John Cena, hinihintay na gayahin ng pinoy actor
John Cena

Hindi ko ma-imagine ‘yung wish ng marami na may gumaya sa ginawa ng isang American actor at professional wrestler na si John Cena sa Oscars na mag-present ng award nang naka-nude o hubad.

Imagine na ‘pag sa EDDYS ginawa iyon very scandalous, hah hah. Baka mapatili sina Gorgy Rula, Ian Farinas, Dondon Sermino at Jerry Olea. Kaloka ‘di ba

At hindi ko maisip kung sinong actor ang gagawa nu’n kahit pa nga matakaw sa publicity. Talagang pag-uusapan iyon nang matagal, hah hah.

Tiyak ako na mag-aabang ang marami sa EDDYS ‘pag may ganun, bongga talaga.

Hay naku talaga hindi ako maka-move on kay John Cena.

Ang bongga ng ginawa niya.

‘Yan ay kahit nagpapa-dialysis ako kahapon.

Lately ay hindi ako masyadong nakakalabas dahil parang nahihilo ako ‘pag lumalabas.

Pero feeling ko ay talagang humahaba pa ang buhay ko dahil sa mga tao na nagmamahal sa akin. Kaya naman ang lakas ng loob ko na harapin itong sakit ko.

Naku kung minsan nga gusto ko nang mag-give up sa apat na oras, dalawang beses sa isang linggo na dialysis procedure ko. Talagang bored na bored na ako pero wala akong magawa kundi sumunod.

Nightmare sa akin tuwing Martes at Biyernes dahil nga iyon ang araw ng punta ko sa hospital para sa aking dialysis. ‘Kaloka talaga.

Naku heto na naman ako sa aking complaining na hindi bagay dahil dapat maldita pa rin ako kahit maysakit sabi nga ng mga alaga kong sina Bong Revilla at Lorna Tolentino. Hindi raw bagay sa akin ‘yung mukha akong helpless at weak dahil mukha raw akong kontrabida dapat. 

Hahaha.

vuukle comment

JOHN CENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with