^

PSN Showbiz

Andrea, makakatambal ni Sen. Bong?!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Andrea, makakatambal ni Sen. Bong?!
Andrea Brillantes

Birthday kahapon ni Andrea Brillantes!

Nakakabilib lang kung paano siya niyayakap ng followers niya despite her flaws and kagagahan sa pag-ibig. Dahil ba sa kanyang pagiging authentic?

Gone are the days na dapat sakdal-linis at perfect ka sa mata ng publiko para ka idolohin.

Si Andrea nga ba ang example ng bagong Magdalena na minamahal?

And proof of that: totoo ba na kinu-consider siya bilang kasama ni Senator Bong Revilla sa pelikula?

Bongga kung totoo, ‘di ba?

Gelli, umaming naghiwalay sila ni Ariel noon!

Hopeful pa rin si Gelli de Belen na magkabalikan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla saying, “Hindi pa tapos ang buhay. Kami nga ni Ariel (Rivera) nagkabalikan e.”

Talaga? May return of the comeback ang KathNiel?

O mas ang LizQuen na parang cool naman sa kanilang arrangement ngayon?

Or maniniwala ba tayo na love is lovelier the second time around kina Bea Alonzo at Dominic Roque?

Talaga ba?

Kalikot, isasabak sa Holy Week!

Hataw talaga ang Vivamax, at huwag na tayong magulat kung ang mga pelikulang Kalikot ni Temi Abad (na dating taga-Star Cinema) at TL ni Jay Castillo (na anak ng dating sexy star Jordan Castillo) ay targetted for release for streaming... when?

Kakayanin n’yo ba kung ito ay bago mag-Holy Week?

I’m sure inaral ng producers ang demographics ng manonood ng mga ganitong panoorin, kaya kebs kung Mahal Na Araw, ‘di ba? Basta kung nasaan ang audience (at ang kita), nandu’n ang Viva!

Mahusay na makeup at prosthetics artist, pumanaw!

Condolence sa mga naiwan ng mahusay na makeup at prosthetics artist na si Cecille Baun. Siya ay isang legend sa ating industriya. Siya ang responsable sa tiyanak, manananggal at iba pang nakakatakot at kakaibang Pinoy mythical creatures na napapanood natin sa TV at pelikula.

Ang mga gawa niya ay na-showcase sa Shake, Rattle and Roll, Oro, Plata, Mata and Darna pati na sa Encantadia. She has also worked for international movies and directors such as John Irvin’s Hamburger Hill, Oliver Stone’s Platoon and Andrew McLagen’s Return from the River Kwai.

Ang galing, ‘di ba?

Wala bang award-giving body na kumikilala sa ganitong contribution ni Cecille sa ating industriya?

Dapat lang at deserving siya sa parangal, ‘di ba?

Sana ginagawa ito habang buhay pa ang mga katulad niyang unsung heroes sana.

Nakakata-quote : Julie Anne, May Kailangang patunayan sa araneta

“Dito po nabuo ang pagkatao ko. Thank you for believing in me.”

Sa isang sinasabing speechless, ang dami pa ring nasabi ni Julie Anne San Jose bilang bagong renew na Kapuso exclusive network talent kahapon. Siguradong malaki ang pasalamat niya sa network sa pag-stick sa kanya.

Sana talaga mapaningning pa siya ng GMA 7 – level Sarah Geronimo ba ng ABS-CBN? Or KZ Tandingan man lang? O Morisette? Lahat ng mga ‘yan kasi nakapag-Araneta Coliseum concerts na! Sana si Julie Anne rin!

vuukle comment

ACTRESS

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with