^

PSN Showbiz

Rio Locsin, inabswelto si Ruru!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Rio Locsin, inabswelto si Ruru!
Rio Locsin at Ruru Madrid

Hindi na namin pinansin ang patutsada ng isang blogger na ikinalat niya nung nakaraang linggo na muntik na raw napahamak si Rio Locsin sa isang matin­ding eksena na kinunan sa Black Rider.

Matindi raw ang eksena na kung saan matagal bago nakabitaw sa pag-iyak ang beteranang aktres.

Wala man lang daw umalalay kay Rio at wala rin daw medic at ambulance sa set.

Napakamalisyoso ng post na iyun na obvious, ayaw sa Kapuso network, dahil sa maka-Kapamilya siya.

Kaagad kong tinanong si Gladys Reyes na bahagi rin ng Black Rider.

Sinagot niya agad na OA ang pambibintang na iyun sa kanilang action-drama series.

Wala raw siya doon sa taping, kaya tinanong din niya si Rio Locsin.

Nagulat ang beteranang aktres dahil maayos daw sa kanilang taping. Meron daw medic at ambulance na naka-standby kaya hindi raw totoo ang post na iyun. At saka hindi naman daw niya kailangan ng medic.

Massacre scene kasi ang kinunan at ang daming namatay na karakter. Nahirapan lang daw si Rio na bumitaw sa pag-iyak dahil apat na tuhog daw iyun, at pataas nang pataas ang emosyon.

Nag-trending din sa TikTok ang tagpong iyun na iyak nang iyak si Rio.

Pero nandiyan ang staff na umalalay, at si Ruru Madrid mismo ang nakayakap kay Rio at hindi niya ito iniwan.

Naglabas na rin ng statement si Rio kaugnay sa isyung iyun. Aniya; “Nakakabigla nga, dahil parang hindi ko inaasahan ang mga lumalabas na balita. Hindi talaga ako iniiwan ni Ruru pagkatapos ng mabibigat naming eksena. Inaalalayan niya ako hanggang sa makalma na ako. May mga medic kami sa set, may ambulance din. Kaya hindi totoo na walang medic na tumutulong, anytime, nandiyan lang sila.

“Hindi rin totoo na inatake ako ng hika, wala po akong hika.

“Inuulit ko maayos po ang aking ka­lagayan at hindi po ako pinababayaan ng mga kasamahan ko sa set ng Black Rider.

“Pamilya po kami na nagtutulu­ngan, nagdadamayan at nagmamahalan.”

TV viewers nanibago

Maaring nanibago ang televiewers sa pag-adjust ng timeslot ng mga programa ng GMA 7 sa tanghali hanggang hapon pagkatapos nilang sibakin ang Tahanang Pinakamasaya.

Nung Biyernes ay ipinalabas ang Praybet Benjamin ni Vice Ganda, pero hindi nito natalo ang Eat Bulaga at It’s Showtime.

Nakapagtala ng rating na 3.3   itong Lunchtime Movie Hits, 3.8 percent naman ang It’s Showtime at 4.4 percent ang Eat Bulaga sa TV 5.

Napaaga ng 30 minutes ang Abot-Kamay na Pangarap na maaring hindi pa nakasanayan ng audience nito kaya bumaba ng malaki. Naka-8 percent lamang ito.

Hindi naman natinag ang Lilet Matias: Attorney-At-Law dahil siguro oras ito ng Abot-Kamay na Pangarap. Naka-9.2 percent itong serye ni Jo Berry. Sumunod ang Makiling na 8 percent at ang Fast Talk With Boy Abunda na napaaga rin ang pasok ay 4.6 percent lamang.

Ang Thai drama series na Romantic Decision ay 2.6 percent at ang ­Family Feud ay naging 7.7 percent na lang.

Kaya ewan ko kung mapataas pa ito, o dapat talagang ibalik na nila sa ­dating timeslot afternoon drama hanggang sa Family Feud.

Ang narinig kasi namin, baka i-extend na raw ng 30 minutes ang TikToClock.

Pero marami na ang nagsasabi na dapat hindi na talaga tinanggal ang Tahanang Pinakamasaya na nanganganay pa lamang dahil sa bago nilang titulo.

Sana tinapos na lang daw talaga ang kontrata ng TAPE, Inc. sa GMA 7 na hanggang December pa ng taong ito.

vuukle comment

ACTOR

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with