^

PSN Showbiz

Coco at Alden, dalawa ang ina sa pagiging magkapatid

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Coco at Alden, dalawa ang ina sa pagiging magkapatid
Alden Richards at Coco Martin

Magkapatid twice sina Coco Martin at Alden Richards dahil kina Jaclyn Jose at Sharon Cuneta na parehong kinu-consider na mga anak nila ang dalawang aktor.

Patunay ito kung gaano sila ka-close kina Sharon at Jaclyn.

Sa kanyang eulogy kay Jaclyn, nakuwento ni Alden na inimbita niya si Jaclyn sa premiere ng Family of Two at masaya ang aktres sa performance niya sa nasabing pelikula. “She was very happy with my performance. And nakakatuwa nga sabi niya, huwag mong kakalimutan anak, ako pa rin ang original.”

Ang ibig tukuyin nito ay siya pa rin ang original nanay sa showbiz ni Alden.

May post nga ang aktres na larawan niya kasama sina Coco at Alden. Sabi nito sa photo nila ni Coco, “Napaka­sarap makasama ang aking panganay na anak sa industria.. ang bunso ko si Alden.. masaya ako nakasama ko ang panganay at bunso... wala ng hihilingin pa.” Sinundan ito ng comment pa na “Eto yung panganay e... bunso ko si Alden.”

Sa photo naman nila ni Jaclyn na nakayakap sa kanya si Alden, ang caption ay “Love ko yan e.”

Ganu’n din ang turing ni Sharon kina Coco at Alden, mga anak niya rin sa industriya ang dalawa, kasama na rin si Julia Montes na anak din ang turing ni Megastar.

Sa rami ng nagpahayag ng lungkot at nagbigay ng tribute kay Jaclyn, alam mo na marami ang nagmahal sa kanya. At lahat ng mga nakasama niya sa pelikula man o TV series, may magandang alaala sa kanya.

Solenn at Nico, napuri sa space ng mga kasambahay

Napuri ng netizens sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico dahil binigyan ng importansya ang rooms para sa kanilang house helpers. Sa kanyang vlog kung saan, nagpa-house tour si Solenn, ipinakita ang staff room at may nag-comment tuloy ng “Parang gusto ko na lang maging katulong kay Ma’am Solenn.”

May furniture at appliances ang private space ng apat na house helpers nila, sa two bunk beds sila natutulog, may dining set, sideboard table, sink, shower room, toilet at aircon.

May sarili ring closet ang apat na kasambahay at ang bongga pa, may outdoor area na puwedeng mag-relax ang apat.

May staff lounge rin ang room ng kasambahay, may TV set na share sila ng driver. Sa staff lounge puwedeng tumanggap ng bisita ang apat nilang kasambahay o kaya’y mag-relax sila pagkatapos ng trabaho.

May sarili at separate room ang driver nila Solenn, air-conditioned din ang room nito at may laundry room.

Sa pagtrato sa kanilang mga kasambahay at driver, nakita raw kung gaano kababait na tao sina Solenn at Nico.

Mariel, sumali sa bashers ni Robin

Pinasalamatan ni Sen. Robin Padilla ang kapatid niyang si Rommel Padilla na siyang personal na nag-aalaga sa mom nilang si Mrs. Eva Cariño-Padilla. Pinost ni Robin ang photo nila ni Rommel kasama ang ina na masayang makita ang dalawa sa kanyang mga anak.

Sabi ni Robin, “Isang mapagpalang araw kapiling ang mahal na Ina. Maraming salamat utol kuya Rommel sa pag-aalaga kay ermats 24/7.”

Maaaring may iba pang nag-aalaga sa mom nila, pero si Rommel ang laging nasa tabi ng ina. Natutuwa nga ang mga nag-comment at marami ang naka-relate dahil sila man ay buong araw ang pag-aalaga sa kani-kanilang mga ina at tatay.

Samantala, kontrobersyal na naman si Robin dahil sa pagsuporta kay Apollo Quiboloy. May mga nam-bash sa kanya, pero sabi nga ni Mariel Rodriguez, pakinggan muna ang mga pahayag ni Robin sa mga isyu bago magalit o i-bash ang asawa.

Sa pakikinig kay Robin malalamang may punto ito.

vuukle comment

ACTOR

ALDEN RICHARDS

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with