^

PSN Showbiz

Lorna nanghina, lamay ng mahusay na aktres box office!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lorna nanghina, lamay ng mahusay na aktres box office!
Ilan sa mga naunang dumating ay si FDCP Chairman Tirso Cruz III, direk Adolf Alix, saka nagdatingan na rin sina Lorna Tolentino, Amy Austria, Lyn Cruz, Isabel Rivas, at pati si Alden Richards na apektado rin sa biglaang pagpanaw ni Jaclyn.

Kahapon nagsimula ang burol kay Jaclyn Jose, pero noong Lunes pa lang ng gabi ay ang dami nang dumagsa sa Arlington Chapel para hintayin na maayos ang burol.

Pina-cremate pa ang mga labi ng premyadong aktres, kaya tumulong na ang iba sa pag-ayos ng mga bulaklak na paglalagyan ng urn nito.

Ilan sa mga naunang dumating ay si FDCP Chairman Tirso Cruz III, direk Adolf Alix, saka nagdatingan na rin sina Lorna Tolentino, Amy Austria, Lyn Cruz, Isabel Rivas, at pati si Alden Richards na apektado rin sa biglaang pagpanaw ni Jaclyn.

Nakaka-text ko nga si Lorna nung Lunes at parang nanghihina raw siya sa nangyari sa co-actor niya sa Batang Quiapo.

Parang hindi pa rin nag-sink in sa kanya kahit nagbabad siya sa burol hanggang sa inilagak na ang urn sa may ginawa nilang altar.

Halos lahat na mga artista ay may magandang alala sa namayapang actress dahil sa maayos niyang pakikitungo mula sa co-stars hanggang sa staff at crew.

Kahapon nagsimula ang burol hanggang sa Sabado, March 9.

Kagabi ay Batang Quiapo night na dinaluhan nina Coco Martin at mga kasamahan sa naturang primetime drama ng Kapamilya channel.

 Pansamantalang nakalimutan ang pagkawala ng Tahanang Pinakamasaya na hanggang ngayon ay hinihintay ang ilalabas na statement ng GMA 7. Hindi makapagbigay ng pahayag ang mga taga-TAPE, Inc. dahil ang Kapuso network daw dapat ang maglalabas ng official statement.

Beauty, kinumpara kay Cate Blanchett

Ilang araw na palang nagsu-shooting sa Pakil, Laguna sina Beauty Gonzalez kasama si JM de Guzman para sa pelikulang Paquil na dinidirek ni Lem Lorca.

Naka-text ko si direk Lem pero nakapanayam siya ng ka-PEP Troika ko na si Jerry Olea.

Sobrang tuwa ni direk Lem sa mga artista niya, lalo na kay Beauty na napakagaling daw sa pelikulang ‘yun. “Parang sabi ko, ‘pag pinapanood ko siya, para siyang Cate Blanchett. ‘Yung hugis niya, ‘yung katawan niya, ‘yung mukha niya. And the talent talaga! And we are so grateful na binibigay ni Beauty sa pelikula namin, na parang inangkin niyang sa kanya,” pahayag ni direk Lem.

Pero ang sobrang ikinatuwa nila ay ipinahiram ni Beauty at ng asawa niyang Norman Crisologo ang eight-year-old daughter nilang si Olivia para gamitin sa pelikula.

Gumanap na batang Beauty Gonzalez itong si Olivia na ikinagulat nila, marunong palang umarte.

Muling nag-bonding sina direk Lem at JM na naidirek na niya noon sa Cinemalaya movie na Intoy Syokoy noong 2012.

vuukle comment

ACTRESS

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with