^

PSN Showbiz

Showtime, mapapanood na ba sa GMA?

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Ang sabi noong Sabado, may announcement na ilalabas ngayon tungkol sa noontime show ng TAPE Inc. na Tahanang Pinakamasaya.

Ano ba talaga ang ibig sabihin ng sign off picture at iyakan nina Buboy Villar or Yorme Isko Moreno?

Kumusta na ang mga staff, mawawalan ba sila ng trabaho?

Ang sabi sa publiko, marami namang commercials at ok naman ang ratings at kinda kumikita sila kaya parang nakakagulat na magbabu sila nang ganito na may balitang magre-replay episodes muna?

Anyayare kaya?

Papalitan na nga lang ba ito ng It’s Showtime?

Maine, umarte sa sorpresa ni Arjo

On the other hand, nakakatuwa ang ginawang pagsu-surprise ni Congressman Arjo Atayde noong weekend sa kanyang nagbi-birthday na wifey na si Maine Mendoza.

Cute na cute ang paghihimatay-himatayan ni Maine noong nag-surprise si Arjo sa Eat Bulaga.

Kung sakaling si Alden Richards kaya ang i-surprise sa kanya, ano kaya ang nakakatuwang magiging reaksyon ni Menggay naman kaya?

Binibining Pilipinas, tatapatan ang Miss U PH?!

Habang nakatuon ang paningin ngayon sa darating na Miss Universe-Philippines, totoo bang may pasabog din ang Binibi­ning Pilipinas sa kanilang 60th Anniversary with 60 candidates?

Plus, totoo bang sabay-sabay na ra­rampa ang apat na naging Miss Universe ng ating bansa na espesyal kasi galing silang lahat sa Binibini tradition kahit nasa ibang kamay na ang Miss Universe franchise?

Excited ba kayong makitang magsama-sama sina Gloria Diaz, Margie Moran, Pia Wurtzbach at Catriona Gray?

Rhian at Michelle, nagmukhang mamahalin

Sina Julie Anne San Jose at Rita Daniela ba talaga ang poste ng All-Out Sundays at sila talaga ang show-opener? Na sinundan ng singers na kinabilangan nina Zephanie, Ysabelle Ortega, Thea Astley at isa pa na mabilis dinaanan ng chargen.

Tapos may Liezel Lopez at Elle Villanueva then sinamahan na ng mga upcoming na Selena Griffin Lianna Castillo, Gaea Muscha segue to Sofia Pablo, Charlie Fleming, Waynona Collings – bago lumabas ang mga Network Royalty nilang sina Carla Abellana at Beauty Gonzalez.

‘Yun na ang #AOSPinayPride.

Sayang lang at lipsync ang opener at kitang-kita mo na salat sa husay at kinang maliban na lang sa established stars na Kapuso.

Buti na lang ang sumunod ay mas may kinang nang kaunti – sina Rhian Ramos at Michelle Dee na kumanta ng recorded Toxic.

In fairness, sila ang mga tindig na aspirational at mukhang mamahalin.

Sana masundan pa sila sa gayak at character ng mga performer sa GMA 7.

AOS at ASAP, sabay sa flowers ni Miley

Live na live naman ang ASAP Natin ‘To kahapon with sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Angeline Quinto, Erik Santos, Janella Salvador, Jason Dy, Jona, Klarisse with Kyle Echarri, Edward Barber with Morisette – and Vina Morales na counterpart nina Beauty at Carla sa opening at si Zsa Zsa at Regine naman ang equivalent nina Julie Anne at Rita – match ba?

‘Yung isa nga lang recorded, ‘yung isa live.

Parehong programa ay nagpugay sa mga kababaihan kaya #ASAPSalute at talaga bang nagkasabay lang ang dalawang programa na kumakanta ng Flowers ni Miley Cyrus.

Hanggang sa 3rd segment recorded pa rin ang numbers ng AOS sa kanilang kakaibang comedy segment na Kantaserye, samantalang ang ASAP ay nag-champion showdown na with poste na may Jed Madela at Bituin Escalante.

Tanong: saan kayo mas nae-entertain? AOS o ASAP? Papatayin ko na lang ang TV.

Nakakata-quote:

“Good friends are hard to find. I’m grateful to have these beautiful friends for decades. Beautiful ladies inside and out.” – Vina Morales on Donita Rose, Ruffa Gutierrez, Sunshine Cruz. Missing Karla Estrada & Jackie Forster.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with