^

PSN Showbiz

Jo Berry, na-pressure kay Jillian

Joe Barrameda - Pilipino Star Ngayon
Jo Berry, na-pressure kay Jillian
Jo at Jillian
STAR/File

MANILA, Philippines — Medyo matagal ding nawala si Jo Berry bago nabigyan ulit ng bagong project sa GMA. Noong 2022 pa ang huling project niya sa Kapuso network –ang Little Princess.

Si Jo Berry ang isa sa mga paborito kong aktres ng GMA.

Sa mga panahong wala siyang project ay doon pumanaw ang kapatid niya at mga magulang. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa at isang napakagandang project ang pagbibidahan niya na sa tingin ko ay kayang-kaya niyang gampanan at nababagay sa kanya.

Ito ay ang Lilet Matias: Attorney-at-Law. Magagaling at mga beteranong actor ang makakasama niya rito at nagpapasalamat siya sa magandang pakikitungo nila sa kanya.

Sa preskon ng nasabing afternoon serye na magsisimula ngayong Lunes, March 4, pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap na pinagbibidahan ni Jillian Ward ay under pressure ang cast sa taas ng rating ng susundan nila.

Hindi naman sila nababahala at ginagawa nilang lahat ang makakaya nila para magawa nila nang tama ang mga karakter nila sa ikagaganda ng teleserye.

Bea at Dominic, pinag-interesan din ng mga sosyal

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin ang netizens sa biglang paghihiwalay ng magsyota na wedding preparations na ang pinag-uusapan.

Wala pa kasing nagsasalita mula kina Bea Alonzo at Dominic Roque ng dahilan ng paghihiwalay nila. May mga ispekulasyon na malamang magkabalikan daw ang dalawa dahil pareho namang masaya at normal ang dalawa na parang walang pinagdaraanan.

Nakakaaliw nga ang isyung ito dahil sa isang party ng mayayaman na dinaluhan namin ay ang isyung ito ang topic ng mga socialite. Wala silang kamalay-malay na nasa tabi lang nila ang isang showbiz reporter habang sila ay nagtsitsikahan.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with