^

PSN Showbiz

Kathniel,‘di na mabubura ang nakaraan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kathniel,�di na mabubura ang nakaraan
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
STAR/ File

Cute naman ‘yung issue tungkol kina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo. Parang bigla na lang na-link ang dalawa out of the blue.

Bigla tuloy parang na-out si Daniel Padilla at akala mo outsider na. Kahit sino pa i-link mo kina Daniel   at Kathryn  hindi mo puwedeng burahin ‘yung naging nakaraan ng KathNiel.

Masyadong marami ang naging followers ng dalawa kaya imposible na basta na lang sila malimutan.

In fact, lalo mo pang pinapaingay ang paghahanap ng followers nila dahil nga nagre-react sila ‘pag may pairing sa iba sina Daniel at Kathryn. Sila pa rin ang gusto kaya naman kawawa ang ibang ibinibigay na partner sa kanila.

Cute naman dahil makikita mo na talagang mahal sila ng followers nila. Problema talaga ng mga loveteam iyan, tingnan mo nga na hanggang ngayon hindi pa rin matanggap na asawa na ni Arjo Atayde si Maine Mendoza at hinahanap pa rin siya kay Alden Richards.

Kaya nga ganyan din ang mangyayari kina Kathryn at Daniel, lagi nang hahanapin ang isa sa isa. Kaloka ‘di bah, bongga.

Cong. PM, mabilis lapitan

Sarap talaga ‘pag meron kang mga ka-close gaya nina Alfred at PM Vargas.

Dahil alam ng classmates ko sa dialysis na parang anak ko sina Alfred at Cong. PM Vargas talagang nilapitan nila ako para humingi ng tulong kay Cong. PM para sa medical help.

At presto, alam mo naman talagang all out sa pagtulong si Cong. PM sa mga nanghi­hingi ng tulong kaya kaagad yes ang sagot niya.

Kaya naman talagang proud na proud ako dahil hindi ako napapahiya sa mga anak-anakan kong mga alaga.

vuukle comment

KATHNIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with