^

PSN Showbiz

Kathryn, pinalitan si Sarah G.!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Kathryn, pinalitan si Sarah G.!
Kathryn Bernardo

And the winner for Mutya ng EDSA is… Kathryn Bernardo!!! Sa Guadalupe bridge pa lang, tatlong major billboards ng iba’t ibang products ang bumabandera ng kanyang image.

Nasaan na si Daniel Padilla? Nandu’n naman siya sa isa!

At sa stretch ng EDSA, marami pa ring ibang billboards si Kath ha!!!

Du’n nga sa isang campaign, pinalitan ni Kath bilang endorser si Sarah G.

Swerte ni Kath!

Gloria Romero, binigyan ng tribute

Maganda ang ginawang gesture ni Daisy Romualdez na tribute para kay Gloria Romero sa Manila Hotel.

Sana napalaki pa ang tribute to include all the artists na nakasama ni Tita Glo sa TV man o sa pelikula.

Maliban sa mga nag-perform, nandu’n sina Senator Robin Padilla at Amy Perez.

May nagtatanong na reporter, nasaan daw si LT (Lorna Tolentino) na laging nasa events ni Tita Glo noon?

Ang magandang sagot ay, marami namang wala. Busy marahil si LT sa Batang Quiapo!

Sana may ganito pang tribute na mangyari ulit para mas marami pang makasama!

James Blanco, hinanap sa Gala Fashion Show ni Paul Cabral

Ang ganda rin ng ginawang showcase ng works ni Paul Cabral sa Una, Gala Fashion Show nito sa Malacañang.

Maraming malalapit na celebs ang nandun kabilang na sina Wendell Ramos, Judy Ann Santos, JC de Vera, Vice Ganda at marami pang iba.

Pati nga si Dominic Roque nandu’n.

Ang tanong na naman ng mga reporter na naghahanap ng mga wala, “Nasaan si James Blanco?”

Ma!!! Baka sa susunod na fashion show.

Erik at Julie Anne concert, ‘di pa sold out!

Sa Sabado na ang Love Bound concert nina Erik Santos at Julie Anne San Jose, at nang mag-check ang mga utaw sa TicketWorld, ay sus, ang dami pang tickets! Paano kaya ito magpi-pick up? Medyo cash strapped na ba ang fans ni Erik at Julie Anne kaya pass muna sila rito?

Paano ang high rollers, sila kaya ang market nito? Paano na?

David Ezra, kasira pa rin ang inang si Dulce

Patapos na ang stint ni David Ezra sa Hong Kong Disneyland, ang tanong, babalik na ba siya sa Pilipinas?

At ang mas mahalagang tanong, haharapin na ba niya at makikipag-ayos na sa nanay niyang si Dulce na lagi lang naghihintay at nagmamahal sa kanyang mga anak?

Puwede bang isantabi na ang pulitika at maging pamilya na sila ulit?

Sana naman.

Nakakata-quote:

“Parang nakakapagod maging si Heart. Lakad nang lakad eh.” – Ice Seguerra

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with