^

PSN Showbiz

Mr. M walang naka-close na taga-GMA; Kathryn at Jericho, nagsama ulit!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Mr. M walang naka-close na taga-GMA; Kathryn at Jericho, nagsama ulit!
Mr. M at Star Magic talents

Sa pagsasama-sama ng Star Magic talents sa birthday ni Mr. M – Johnny Manahan, nakitang sweet at nagkakaigihan sina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo ulit.

May namumuo bang something talaga sa kanila?

Sa gatherings na ganito, wala ba talagang Kapuso talents na nasa inner circle ni Mr. M? Or wala ba man lang bang gathering ang Sparkle para sa kanya at all?

O baka nasa Japan pa ang mga boss, at mangyayari ‘yun pagbalik nila?

Isa pang tanong, niyaya man lang ba nilang sumama si Mr. M kung lakad ng Sparkle ‘yun?

Ang saya, ang daming tanong.

Pelikulang your Mother’s…, X-rated sa MTRCB!

Nabigyan ng X rating ang obra ni Jun Lana na Your Mother’s Son ng MTRCB na magkakaroon sana ng Phi­lippine premiere sa April in time for IdeaFirst Company’s 10th Anniversary.

Pagkatapos ng world premiere nito sa Toronto Film Festival, at Tallinn at Taipei, heto talaga ang sasapitin nito sa ating bansa?

Expected naman ito dahil todo ang nudity rito na humahamon sa boundaries ng sining.

Ano kaya ang next movie nila Direk Jun?

Paingayin muna ang pagkaka-X ng pelikula – at i-reapply ng panibagong rating with CUTS? O mag-preview ng integral version sa venues na hindi covered ng MTRCB like UP and CCP?

Abangan ang susunod na kabanata!

Pelikula nina Beauty at Kelvin, nag-flop!

Ay naku, mukhang hindi nag-work at hindi kinapitan ng mga tao ang love triangle nina Beauty Gonzalez, Kelvin Miranda at Teejay Marquez sa After All.

Paano na ang mga pelikula natin, nasaan na kaya ang manonood?

Bar Boys, inaabangan kung aangat sa play!

Bar Boys gagawing play?

Sana may added value ang music, kasi as a movie, so-so at ok lang ito pero in industry standards, floppey.

Sana the play/musical version will do better.

Nakakata-quote:

“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together.” – Cornerstone Entertainment

vuukle comment

JERICHO ROSALES

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with