^

PSN Showbiz

Production at back-up singers ni Regine, hindi pa tapos ang problema sa embassy!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Production at back-up singers ni Regine, hindi pa tapos ang problema sa embassy!
Regine Velasquez

Usap-usapan pa rin ang hindi paglabas ng visa ng banda at production at back-up singers ni Regine Velasquez sa dapat na US Tour niya.

Anyare raw ba talaga?

Ang concern ng ibang taga-banda ay kailangan na raw nila ang passports nila pero naipit pa raw sa embassy hanggang ngayon.

Paano kaya maiiwasan ang ganitong bulilyaso sa susunod?

To think daw na ‘yung ina sa entourage ay October pa last year daw nagpasa ng requirements ha! NKKLK!

Mga bagets sa hapon, kapos pa ang acting!

Totoo bang nahikab at nagtaka ang ilang movie press sa akting ng iba sa bagong panghapon na serye ng Siete na Lilet Matias: Attorney-at-Law na magsisimula na sa March 4?

Bakit ganu’n ang aktingan ng mga bagets na parang hilaw at sobrang effort?

Sana mas mag-improve pa sila kasi nakukumpara sila sa akting ng mga tao sa Linlang at milya-milya ang layo ng galing ng mga artista doon.

May kinalaman ba ‘yan sa primetime o timeslots?

Meaning, mas effort na acting sa tanghali at afternoon works better?

Wala bang pag-angat ng kalidad ng acting, at ratings na lang talaga ang konsiderasyon?

Well, sana ma-strike ang balance talaga!

To see is to believe. Wala pa raw sa teaser ‘yan. Sabeeeh?

Karylle, naka-P1M sa Rama…

Grabe ang suporta ng showbiz and non-showbiz friends ni Karylle sa kanyang show buy ng Rama Hari last weekend.

Totoo bang umabot daw ito ng higit isang milyon?

Pero buti na lang nabawi ang investment niya at may sponsors pa para makapanood ang mga estudyante ng classic material na ito na gawa ng limang National Artists.

Sana maging ganito ang suporta ng tao kay Karylle bilang concert artist kung nagkataon, ‘di ba?

Anino… ni LJ,may theater version na

May teaser na ang IdeaFirst Company na magkakaroon ng theater version ang pelikulang Anino Sa Likod Ng Buwan na nagtampok kina Adrian Louis Alandy, Anthony Falcon at LJ Reyes na naging Urian Best Actress pa nga.

Pero this year ba ito ipapalabas?

Alin kaya ang mauuna – ito o ang theater version naman ng hit comedy movie na Here Comes The Bride na itinease na John Lapus sa kanyang social media?

These are exciting times sa theater actually.

Nakakata-quote:

“fine, jowa reveal.” – Kylie Verzosa kay David Beckham.

Bakit nagamit si David? Sino ang totoo niyang jowa?

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with