^

PSN Showbiz

Amy Perez, ibabahagi kung paano muling nakahanap ng pag-ibig

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon
Amy Perez, ibabahagi kung paano muling nakahanap ng pag-ibig
Amy Perez at Bernadette Sembrano
STAR/ File

Isang girls bonding time ang matutunghayan ngayong Linggo dahil may heart-to-heart session sina Amy Perez at Bernadette Sembrano, kung saan ibabahagi ni Tyang Amy kung paano siya muling umibig at kung paano niya binabalanse ang trabaho at pagiging ina sa Tao Po ngayong Linggo (Feb 25).

“Pagdating ko sa pintuan ng bahay, ‘ang hinubad ko ‘yung sapatos ko, iniwan ko na ‘yung artista na si Amy Perez. Ibig sabihin, pagpasok ng bahay, Amy Perez na akong nanay,” kwento ni Tyang Amy.

Samantala, kwentong sports naman ang hatid ni Kapamilya reporter na si Jeck Batallones sa kanyang panayam kasama si Filipino Pro Wrestling champ Mike Madrigal.

Bukod kay Mike, nakausap din ni Jeck ang ibang Pinoy wrestlers na sina Ralph Imabayashi at Robynn na nagbahagi rin ng kanilang mga kwento ng sakripisyo sa kanilang napiling propesyon.

Ngayong Linggo, tampok din sa Tao Po ang nakaka-inspire na kuwento ng 44-anyos na parking attendant na si Joey. Dahil sa sakit na nakaapekto sa kanyang paglalakad, naghahanapbuhay si Joey gamit ang isang pedicab na pinapatakbo niya gamit ang mga kamay. Kahit inaabot si Joey ng apat na oras para makapunta at makauwi sa trabaho, hindi siya tumitigil para mabigyan ng maginhawang buhay ang kanyang pamilya.

Asawa ng Asawa Ko stars, makiki-join the fun sa Gensan!

Good news para sa mga Kapuso sa General Santos City dahil bibisita sa kanila ang Asawa ng Asawa Ko stars na sina Rayver Cruz, Martin del Rosario, at Liezel Lopez para maghatid ng good vibes sa Gensan Kalilangan Festival this Sunday, Feb. 25.

Kukumpleto sa araw ng fans dahil makakasama rin nina Rayver, Martin, at Liezel si Sparkle artist Mikee Quintos.

Abangan ang kanilang napakasayang Kapuso Mall Show sa KCC Convention and Events Center sa ganap na 5 ng hapon.

vuukle comment

AMY

BERNADETTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with