^

PSN Showbiz

Cristy, nanghihingi ng resibo kila Dominic

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Cristy, nanghihingi ng resibo kila Dominic
Dominic at Bea
STAR/File

Itinanggi na ni Nay Cristy Fermin na tinukoy niya sina Mayor Bullet Jalosjos at former congressman Bong Suntay na dahilan ng breakup nina Dominic Roque and Bea Alonzo.

Ito ang sinagot ng batikang columnist / talk show host sa mga sinabi ng kampo ni Dominic at nina Mayor Bullet at Bong.

“Napakalinaw po, wala po kaming sinabi na benefactor ni Dominic Roque itong si Ginooong Bong Suntay. Hindi po namin sinabi na nagkaroon siya ng gasolinahan dahil sa espesyal na pagtrato.

“Mula nang salatin ko ang isyu ng breakup ni Bea Alonzo at ni Dominic Roque ni isang banggit po ng pangalan nitong si Mayor Bullet Jalosjos ay hindi ko binitiwan. Kahit po initials, kahit po clue tungkol sa kanya ay wala po kayong nalaman mula sa akin. Hindi po ako nagsalita.

“Wala po kayong narinig sa akin. Kaya ako po ay nagtataka bakit nagpa-interview with Bong Suntay at Mayor Bullet Jalosjos na sila raw po ay kinukuwestiyon na ngayon ang kanilang mga gender, ang kanilang kasarian.

“Nasaan po ang pangalan ni Mayor Jalosjos mula nang aking salatin ang kuwento tungkol sa hiwalayan nina Bea at Dominic Roque. Walang-wala silang maituturo,” pagdidiin niya sa kanyang programa sa One PH.

Sa interview nga ni Jay Ruiz ay itinanggi nina Mayor Jalosjos at Mr. Suntay ang malisyosong mga intriga na diumano’y mayroon silang relasyon sa actor dahil sa condo at gasolinahan na pag-aari diumano ni Dominic.

Ganundin ang actor sa isang statement mula sa kanyang mga abogado.

Sa totoo lang ang winner dito ay si Dominic. Tiyak na nadagdagan ang followers niya sa social media lalo na at all over places siya.

Andrea at Ricci, nakatatak na sa Star Magical Prom

Ibabalik ng Star Magic ang Star Magical Prom sa Marso 14 na mapapanood nang live sa YouTube channel ng Star Magic.

Sa pinost na teaser ng ABS-CBN, sumayaw ang lead stars ng Zoomers na sina Criza Taa at Harvey Bautista at nag-transform bilang prince at princess na nagsisimbolo ng fairytale theme ngayon taon.

Dapat din daw abangan ang sorpresa at cool na pakulo nilang ‘promposals’ sa darating na mga linggo.

Nitong nakaraang araw, nanguna na nga si Seth Fedelin ayain ang kanyang ka-loveteam na si Francine Diaz dalawang beses na may kasamang bulaklak sa desert sa Dubai at kalagitnaan ng TFC show.

Bukod sa ‘promposals,’ may tsansa naman ang piling fans na makamit ang pangarap na magkaroon ng fairytale prom journey sa ‘Once a Fan A Time.’

Magpost lamang ng isang creative at unique promposal video kung saan tinatanong nila ang kanilang idolo para maging date sa naturang gabi sa kanilang Facebook, X, Instagram o TikTok account kasama ang hashtag na #OnceAFanATime.

Dalawang fans ang magkakaroon ng magical prom makeover sa tulong ng fairytale glam month.

Maaalalang sa kalagitnaan ng palabas noong March 2023, naglaan ng oras sina Rosé at Lisa ng Blackpink para basahin ang “proposal” sign ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero. “Please go to prom with that girl,” sabi Rose. “I just wanna ask Ricci Rivero, will you go to prom with Andrea?”

Pero sadly, naging mapait ang hiwalayan nila.

vuukle comment

CRISTY FERMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with