^

PSN Showbiz

Ejay, naging honest!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ejay, naging honest!
Lolit at Ejay
STAR / File

Enjoy ako kay Ejay Falcon habang pinapanood ko sa Fast Talk ni Boy Abunda.

Feel na feel mo ang sincerity niya at pagi­ging honest habang sinasagot ang mga tanong sa kanya. Totoo naman ang hirap ng buhay na dinaanan niya bago niya narating ang kinalalagyan, pero heto nga at nabiyayaan siya ng magandang kapalaran.

Mabait na tao si Ejay, dama mo ang kabaitan niya ‘pag kausap mo siya. Huwag lang sana niyang makalimutan ang mga taong tumulong sa kanya noong nag-uumpisa pa lang siya.

Mas lalo pang gaganda ang buhay niya ‘pag ginawa niya ito.

Totoo rin naman na may mga bagay na gusto mo nang kalimutan, pero ‘yung tulong na naibigay sa iyo dapat laging nasa puso mo.

I hope the best for Ejay Falcon dahil alam ko na mabait siyang tao, sana nga huwag siyang magbago.

‘Life is really good’

Merong isa talaga na naniwala na birthday ko nung isang araw, si Cong. Apid de los Santos na nagpadala ng regalo dahil nga kumalat na birthday ko nung isang araw.

‘Kaloka talaga na pati birthhday ko na-scam yata, hah hah hah. Kasi nga Mayo ang kaarawan ko at hindi February.

Ewan ko kung saan nakuha ng Viber ‘yung inilagay nilang birthday ko, sayang nga dahil marami naman ang naniwala, pero panay bati lang ha, walang ipinadalang gift, joke joke.

Hah hah, excited tuloy ako sa double 7 na birthday ko sa May, baka magkaroon ng big surprise, bongga.

Basta happy ako na up to now heto pa rin ako at laging excited sa kolum ko everyday.

Kaya huwag kayong magsawang magbasa, dahil talagang kolum ko na lang ang nakaka-excite sa akin everyday dahil nga limited na ang mga rampa ko.

Life is really good, kaya enjoy it while you can. Bongga.

vuukle comment

EJAY FALCON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with