^

PSN Showbiz

Luis at Jessy, todo ang paghahanda sa kanilang dream wedding!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Luis at Jessy, todo ang paghahanda sa kanilang dream wedding!
Jessy Mendiola at Luis Manzano

February 21, 2021 nang maganap ang civil wedding nina Jessy Mendiola at Luis Manzano sa Batangas.

Pinaghahandaan na ng mag-asawa ang kanilang church wedding na posibleng mangyari ngayong buwan ng mga puso. “Not really hiding it naman. Finally, matutuloy na ‘yung church wedding namin, more of our dream wedding. Finally, makakauwi na rin ‘yung family ko, ‘coz when we did our civil wedding noong 2021, wala pa ‘yung family ko noon. Nakakatuwa kasi my whole family is coming. Finally they can meet Rosie,” pagbabahagi ni Jessy sa ABS-CBN News.

Mahigit isang taong gulang na ngayon ang anak nina Luis at Jessy na si Isabella Rose o mas kilala sa tawag na Peanut o Rosie. Excited na umano ang mag-asawa sa gagawing church wedding lalo pa’t makakapaglakad na rin patungong altar ang kanilang anak. “Little Bride siya, nae-excite ako, super. And naglalakad na siya, sana lang makayanan niyang maglakad sa aisle. It’s an intimate wedding again. We’re not really hiding it but we’re not putting it out there naman. This time kasi si Luis nga ang sweet eh. Sabi niya I want you to have the wedding of your dreams, with your family and with the Lord,” pagtatapos ng aktres.

Papa P., gustong subukan ni Kathryn

Ipinagdiriwang ni Kathryn Bernardo ang kanyang ika-dalawampung anibersaryo sa show business ngayong taon. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong makatrabaho ng aktres si Piolo Pascual. “Papa P, sinong may ayaw na makatrabaho si Papa P. Safe to say na lumaki ako na kasama sila. Kasi we have the same handler. Tapos nagkita kami no’ng kay Mr. M (Johnny Manahan) na lunch and then nakapag-usap. Of course, I’m willing to work with Papa P. Who can say no to that?” nakangiting pahayag ni Kathryn.

Ayon sa dalaga ay talagang mataas ang respeto niya kay Piolo bilang isang magaling na aktor. Para kay Kathryn ay isa rin si Piolo sa maituturing na kaibigan ng lahat sa industriya. “I respect him so much as an actor but then no’ng nakilala ko siya bilang tao ang feeling ko makaka-attest dito lahat sa ABS-CBN. He’s so loved by many because of his personality. ‘Yan ‘yung isa sa mga trait na nai-inspire ako. He’s so loved,” giit ng aktres.

Kamakailan ay mainit na pinag-usapan sa social media ang larawan na magkasama sina Kathryn at Jericho Rosales. Nangangarap din ang aktres na makatrabaho si Jericho sa isang proyekto. “I’m open to work with everybody now, especially Echo. He’s been very vocal. Nakasama ko siya ng ilang days sa magkakasunod na events. He’s such a nice guy, sobrang bait niya. So ayaw mo bang makatrabaho ‘yung gano’n? Let’s just see. I just wish that maybe universe will do something about it,” paglalahad ng dalaga. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

JESSY MENDIOLA

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with