^

PSN Showbiz

Black Rider patuloy sa pag-arangkada, stuntmen naniningil

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Black Rider patuloy sa pag-arangkada, stuntmen naniningil
Ruru Madrid

Patuloy sa pag-arangkada sa primetime ang Black Rider at mas lalo pa raw dapat abangan ang mga malalaki at maaaksyong eksena gabi-gabi – kasama na ang pagkakalantad sa tunay na pagkatao ni Elias, Ruru Madrid.

Pero totoo ba ‘yung nabasa ko sa isang post na hindi pa ba­yad ang ibang stuntmen na kasali sa maaksyong eksena?

Ang nabasa ko, from August to October ang backlog ng prog­rama sa mga stuntman.

Anyway, mismong si Ruru, nasasabik para sa mga manonood habang lalo pang lumalalim ang kuwento ng kanyang pinagbibidahang serye.

“Expect bigger scenes, stunts, mas makabagbag-damdamin na mga eksena, mga drama. Pakikiligin din kayo ng mga eksena dito, patatawanin din kayo. Marami rin kaming mga guest na papasok dito sa Black Rider,” ayon sa kanya.

Ayon pa sa actor, nais lang nilang makapaghandog sa mga manonood ng isang mahusay na palabas.

“Gusto lang din namin talagang ikuwento kung ano ‘yung mga pagsubok na pinagdadaanan ng bawat Pilipino sa araw-araw. I guess ‘yun ‘yung secret ng Black Rider. Hindi lang siya basta action lang or drama lang kundi marami ka pang mapupulot na aral,” dagdag niya.

Kasama rin sa Black Rider sina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, at Katrina Halili. Tampok din ang mga iconic action star na sina Zoren Legaspi, Raymart Santiago, Gary Estrada, Isko Moreno, at Roi Vinzon, gayundin ang mga beteranong aktor na sina Rio Locsin, Gladys Reyes, Maureen Larrazabal, at Almira Muhlach.

Anyway, kung totoo ang sinisingil ng mga stuntman, baka naman nalimutan lang ng production na i-settle.

Pero totoo rin bang milyones na ang nasabing utang?

vuukle comment

ACTOR

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with