Mga senior, binigyang kaalaman sa digital skills ng Globe
Bakas sa mukha ni Lola Erlinda Menor, 75, ang saya matapos makilahok sa #SeniorDigizen learning session na pinangunahan ng Globe kamakailan, kung saan natuto siya tungkol sa digital technology.
“Sa edad ko na ito, very thankful ako! Ako ay 75 years old ngayon, still moving at masigla. At ayun nga, nadagdagan ang knowledge ko sa digital na mga impormasyon. Napakagandang bagay para sa amin ito. Ito ay malaking tulong sa amin. At hindi lang sa akin. Kumbaga, maibabahagi ko ito sa aking mga ka-senior na hindi rin nakakaalam ng iba. Mabigyan ko rin sila ng knowledge na nalaman natin dito sa programang ito,” chika ni Lola Erlinda.
Isa siya sa 200 senior citizens mula Metro Manila na nakilahok sa unang Teach Me How to Digi Learning Session ng Globe noong Jan. 25, 2024, na layong tulungan ang mga lolo at lola sa bansa na makasabay sa digitalization journey.
Tinuruan nga ang mga senior sa leaning session na ito kung paano gumamit ng smartphone, GMail, GCash at KonsultaMD, na magagamit nila para mapagaan ang araw-araw na pamumuhay.
Ayon naman kay Enrique dela Paz, 64, isang retired seaman mula Pasig City, mahalaga ang digital skills para mas mapadali ang mga gawain.
“Masaya na at least naiimbita kami na matuto maski na nasa ganitong edad na. Napapaabot para sa amin ang teknolohiya. Masaya!” aniya.
Ang #SeniorDigizen campaign ay bahagi ng pagtutulak ng Globe sa digital inclusion.
“Sa panahong ito, ang digital skills ay hindi na maaaring isawalang bahala. At para sa Globe, kailangan lahat ay kasabay sa digitalization dahil maraming benepisyo ang paggamit ng digital technology, lalo na sa seniors,” ayon kay Yoly Crisanto, Chief Sustainability and Corporate Communications Officer ng Globe Group.
- Latest