Cristine annulled na, pwede na ulit pakasal
Libre na palang pakasal si Cristine Reyes in case na gustuhin nila ni Marco Gumabao.
Nilantad nga ng actress na annulled na ang kasal nila ng dating mister na si Ali Khatibi. Meron silang anak, si Amarah.
Magkasama sila ng boyfriend sa interview ni tito Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda nang aminin ito ng actress.
“Matagal na,Tito Boy, more than a year. Kasi, Tito Boy, hindi ko naman s’ya in-announce, eh. It’s not something I should celebrate,” pahayag ni Cristine na ang unang tinanong ay si Marco kung handa ba siyang pakasalan si Cristine.
- Latest