^

PSN Showbiz

Beauty, nagsuplada raw; Cedrick nasilat ni Piolo?

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Beauty, nagsuplada raw; Cedrick nasilat ni Piolo?
Beauty Gonzales

Ibang actor ang naririnig naming mananalo ng Best Actor sa ginaganap na Manila International Film Festival (MIFF) sa Hollywood.

Si Piolo Pascual nga ba?

Si Cedrick Juan ng pelikulang GomBurZa ang nag-uwi ng Best Actor trophy sa Metro Manila Film Festival Gabi Ng Parangal last December pero ang usap-usapan sa Amerika, si Piolo diumano ang  makakasungkit ng Best Actor sa kauna-unahang MIFF.

Iba ang set of judges sa MIFF kaya inasahan na talagang iba ang mananalo.

Hindi ko lang alam sa ibang category kung iba rin ang mananalo kesa sa mga nanalo sa Gabi Ng Parangal na si Star For All Seasons Vilma Santos ang Best Actress and Best Picture ang Firefly.

At iba raw sa States ang ranking, mas na-excite manood ang mga kababayan natin doon ng pelikulang Rewind, When I Met You in Tokyo and Mallari.

Grabe raw ang kilig ng lahat kina Piolo Pascual and Dingdong Dantes na mas naunang dumating kesa kina Christopher de Leon and Alden Richards.

Sad din daw ang kapalaran ng ibang pelikula. Imagine may ilang pelikula raw na nagpapasok ng audience nang libre.

Hindi raw kasi gaanong mura ang tickets.

May package na $100 for 4 tickets sabi ng isang kakilala ko na nakinood sa mga pelikulang pinalalabas. At medyo mas mahal ng konti kapag 1 ticket ang bibilhin mo.

At sa Gala Night daw ay $275.

Kung sabagay andun naman lahat ng mga celebrity na representative ng 10 official entries kaya bongga rin namang manood nito.

Anyway, isa pang pinagkukuwentuhan ng mga andung sumuporta sa MIFF ay si Beauty Gonzalez.

Hindi raw sila pinansin ni Beauty nung tawagin nila ito.

Totoo ba na hindi masyadong friendly si Beauty?

Andami rin daw naartehan kay Beauty dahil nagsuplada?

Aww. Sayang naman ang chance kung totoo ‘yun.

 

vuukle comment

BEAUTY GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with