^

PSN Showbiz

Maja, limitado na ang galaw

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Maja, limitado na ang galaw
Rei Anicoche-Tan at Maja Salvador

Ang saya ni Maja Salvador sa Facebook post ni Ms. Rei Anicoche-Tan na kuha sa kanilang gender reveal party sa clubhouse ng village na tinitirhan nila.

Doon ini-reveal na baby girl ang ipinagbubuntis ni Maja na magsi-6 months na.

Naka-text ko naman ang asawa ni Maja na si Rambo Nuñez kahapon, happy rin daw siya, lalo na’t safe naman ang pagbubuntis ng kanyang asawa.

Hindi naman daw sila humihiling kung boy o girl ang magiging panganay nila. “Okay kami any, basta healthy. That’s the most important thing for us (heart emoji),” text ni Rambo sa akin.

Medyo nagbabawas na nga raw ng work si Maja dahil kailangan niyang pag­handaan ang kanyang panganganak.

Kaka-launch lang ng kanyang bagong single na Sugal na nasa Spotify na at ibang digital music service.

Naririnig nga namin madalas ang kantang ito ni Maja sa radio. Hindi na lang niya gaanong masayawan dahil ang laki na ng tiyan niya.

Congratulations sa mag-asawang Maja at Rambo Nuñez.

Misis ni Cong. Jolo, 17 oras nag-labor!

Present si Cong. Lani Mercado nang isinilang ng daughter-in-law niyang si Angelica Alita ang first baby nila ni Cong. Jolo Revilla noong Martes, Jan. 30.

Medyo nahirapan si Angel kaya sinamahan ito ni Cong. Lani para alalayan.

Siyempre, excited si Cong. Lani sa dagdag na apo nila ni Sen. Bong Revilla at happy raw siya dahil safe na si Angel na ang tagal ding nag-labor nito.

Bago nga nanganak si Angel, nag-FB live pa sila habang nagli-labor pa ito na umabot ng 17 hours.

Mabuti na lang at nairaos naman, at normal ang delivery na isang baby girl na may timbang 7 pounds at 12 ounces.

Tinanong ko si Cong. Jolo kung may naisip na silang pangalan sa kanilang baby girl, hintayin na lang daw sa susunod niyang post.

Dagdag na excitement naman ito kay Sen. Bong Revilla na sumabay sa nalalapit na airing ng action-comedy niyang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na magsisimula na sa Feb. 4.

“Actually, nasa meeting before our session. Nagulat nga yung mga ka-mee­ting ko dahil hindi ko ma-contain ‘yung tuwa, lalo na nung ipinakita na nila sa akin sa video.

“May bagong baby girl Revilla na naman. Lolo na naman ako! Hahaha

“I’m so happy for Jolo and Angel. Especially na matagal nilang hinintay itong blessing na ito from God.”

Pero sa darating na Sabado ay magkakaroon ng motorcade sina Sen. Bong kasama ang co-stars niya.

Mag-iikot sila sa may Taguig City, dadaan ng Muntinlupa hanggang sa San Pedro, Laguna.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with