^

PSN Showbiz

Willie, naaalala sa dating staff na nasa Home for the Aged

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Willie, naaalala sa dating staff na nasa Home for the Aged
Willie Revillame
STAR / File

MANILA, Philippines — Ewan ko ba pero naisip ko na naman si Jopay Manago nang mabasa ko ‘yung mga press release na tatakbong senador si Willie Revillame.

Alam ko na hindi kasalanan ni Willie na nadala sa Home for the Aged si Jopay. Alam ko rin na may karapatan siya na alisin sa trabaho si Jopay dahil nga sa cost cutting measure ng company niya.

Pero talagang hindi maalis sa utak ko na kung hindi niya sana inalis sa staff niya si Jopay sana hindi pa ito nadala sa Home for the Aged. Alam ko na mas dapat ko na sisihin ang mga kamag-anak ni Jopay, lalo na ‘yung mga tinulungan niyang mag-aral, pero ewan ko ba kung bakit kay Willie Revillame ako mas nagtatampo.

Hay naku, talagang dapat ‘pag matanda na tayo may sarili tayong pera para sa sarili natin at hindi tayo maging pasanin sa ibang tao. Mas mabuti talaga na paghandaan mo ang pagtanda dahil hindi mo alam ang puwedeng mangyari sa iyo.

So thankful na kahit paano relevant pa rin ako sa edad ko na 77. Kung hindi malay mo, dahil wala dito ang mga anak ko at nasa USA, baka dalhin din ako ni Mel (kasama ko sa bahay) sa Home for the Aged. Hahaha.

Standard of beauty, Korean style na rin

Palagay ko parang lahat yata ng Koreano nasa showbiz na.

Imagine mo ang dami nang Koreanovela nila, mga K-pop singers at dancers, hosts, at para bang mga bata pa hinahasa na para sa showbiz. At nagawa na nilang i-manipulate ang utak ng tao na ang standard of beauty ay Korean style na ha.

Para ngang meron Korean fever dahil kahit sa Hollywood nakapasok na ang ilang Korean stars. To think na matagal nang pangarap ng mga Pilipino ang mapasok ang Hollywood thinking na mas madali para sa atin dahil marunong tayo ng English language, at mas hasa sa acting.

Talagang malaki ang nagawa ng suporta ng gobyerno nila para magtagumpay sila. Kaya naman meron silang confidence dahil nga suportado sila. Bongga.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with