^

PSN Showbiz

Ruru, ayaw isiping naungusan si Coco!

Pilipino Star Ngayon
Ruru, ayaw isiping naungusan si Coco!
Ruru Madrid

Decided na si Ruru Madrid na si Bianca Umali ang pakakasalan.

Tho hindi pa raw agad-agad.

Pero ramdam na raw talaga niyang ang actress na talaga ang para sa kanya.

Basta raw ngayon ay tutok muna sila sa career nila.

Samantala, nagpapasalamat naman si Ruru sa pag-arangkada sa primetime ng serye niyang Black Rider na nitong Miyerkules nga ay nagtala ito ng people rating na 12.5 percent sa National Urban TV Audience Measurement overnight ratings habang 12.2 percent naman ang nakuha ng kalaban nitong Batang Quiapo.

Ayon kay Ruru, ayaw niyang isipin na natalo niya si Coco Martin.

Basta raw gagawin niya ang lahat para patuloy na gumanda pa ang rating nila.

“Salamat, Ama! Tunay na walang imposible sayo! Pangako na patuloy kong pagbubutihin ang aking ginagawa ng makapagbigay ng magandang programa, saya at inspirasyon sa bawat manonood,” saad ng actor.

Pinasalamatan niya rin ang mga tao sa likod ng kanyang serye at sa mga loyal viewers nito.

Samantala, kabilang nga sina Ruru at Bianca sa mga dumalo sa 20th wedding anniversary celebration nina Christopher Roxas and Gladys Reyes at inspirasyon daw nila ang mag-asawa at ipagdarasal nilang sana ay ma­ging ganun katatag ang magi pagsasama nila ni Bianca.

vuukle comment

ACTOR

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with