^

PSN Showbiz

Richard, may pahabol na happy birthday kay Sharon

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Richard, may pahabol na happy birthday kay Sharon
Richard Gomez at Sharon Cuneta

Nakalimutan pala ni Cong. Richard Gomez na mag-happy birthday sa dating ka-loveteam at girlfriend na si Sharon Cuneta noong Jan. 6.

Kaya naman apologetic ang actor / politician nang aminin niya sa entertainment press na hindi niya nabati ng happy birthday si Ate Shawie.

Sa press launching ng Congress TV na ginanap sa Batasang Pambansa kamakailan, nag-sorry si Goma dahil medyo naging busy umano siya nu’ng time na ‘yun.

Kaya naman idinaan niya sa press ang mainit na pagbati kay Sharon.

Aniya, “Pakisabi na lang, happy birthday Sharon, belated happy birthday. Na­ging busy lang nang konti, happy birthday!”

Pag-amin ng aktor-politiko, nami-miss din niyang umarte lalo pa nga’t ang huling movie nila ni Sharon, ang Three Words to Forever ay ipinalabas noon pang pre-pandemic, 2018.

Okay umano sa kanya na makatrabaho muli ang Megastar sa isang proyekto na mala-Three Words to Forever na masaya’t tipong light family drama.

Sa ngayon, ani Goma, may dini-develop siyang materyal tungkol sa naging experience niya bilang mayor ng Ormoc City.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

RICHARD GOMEZ

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with