^

PSN Showbiz

Luis, ipinasa na ang PGT

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Luis, ipinasa na ang PGT
Luis Manzano.
STAR/ File

Bilang isang magaling nang TV host ay napupulsuhan ni Luis Manzano kung sino sa mga mas nakababatang aktor ang posibleng sumunod sa kanyang mga yapak. Napababalitang posibleng magbalik ang Pilipinas Got Talent at mayroong rekomendasyon si Luis kung sino ang pwedeng maging bagong host nito. “Congratulations sa kung sino man, hindi ako eh. Kumbaga nag-rest na ako sa Pilipinas Got Talent. Sabi ko why not give it to the new generation. Nakikita ko pwede si Robi (Domingo), Donny (Pangilinan), pwedeng si Edward (Barber) or maybe si Enchong (Dee). It’s about time na ibigay na ‘yung gano’ng show sa kanila,” nakangiting pahayag ni Luis.

Sa ngayon ay ini-enjoy ng TV host-actor ang bawat oras na kasama ang kanyang mag-inang si Jessy Mendiola at Baby Peanut.

Nilinaw ni Luis na hindi naman niya nililimitahan o pinagbabawalan ang misis sa pagpili o paggawa ng mga proyekto. “She can do whatever she wants. If it will give you artistic fulfillment, then by all means go ahead,” giit niya.

Nagpaplano na rin umano ang mag-asawa na sundan si Peanut. May mga obligasyon lamang na tinatapos sina Jessy at Luis bago pa matuloy ang muling pagbubuntis ni Jessy. “May mga contractual obligations pa na kailangang asikasuhin. Pero hopefully in a year or two eh maging ate na si Peanut,” pagtatapos ng TV host-actor.

Mga adlib ni Joross, madalas ma-edit out

Madalas na napapansin ng mga manonood ang pagiging natural na komedyante ni Joross Gamboa sa mga pelikula. Ayon sa aktor ay kadalasang umaadlib na lamang siya sa mga linyahan upang mas maging kwela ang mga eksena. “Actually, karamihan ako ‘yung nagsasabi na nag-aadlib. Mas marami pa ‘yung in-edit out dahil kapag nagsu-shoot kami ‘yung ibang punchline hindi pwedeng ipalabas sa sinehan,” natatawang kwento ni Joross.

Aminado ang aktor na nakararamdam ng pressure sa tuwing sasalang sa mga eksenang ginagawa. Hindi rin daw palaging pumapatok sa mga katrabaho ang ginagawang pagpapatawa ni Joross. “Before pa si Direk Cathy (Garcia-Sampana) sasabihin, ‘Joross ikaw na bahala diyan sa punchline ah. ‘Sasabihin ko, ‘Direk, anong sasabihin ko?’ Basta ikaw na bahala. Siguraduhin mo lang matatawa kami.’ Ang hirap kasi ng gano’n kasi ini-expect nila nakakatawa. Hindi ko naman sinasabing maganda lahat ‘yung hirit ko. Kapag rehearsal iba ‘yung sinasabi ko para kapag action mas natural ‘yung tawa nila. Minsan waley ‘yung hirit ko sasabihin ni direk, ‘Sa tingin mo ba Joross nakakatawa ‘yon?’ Kailangan talaga buo ‘yung loob mo kasi mapapahiya ka,” pagbabahagi niya.

Malaki ang pasasalamat ni Joross sa mga nakatrabahong direktor na talagang nakatulong sa kanya upang maging isang maging epektibong komedyante. “I wanna credit this to Direk Cathy dahil sa kanya kaya rin mas na-discover kumbaga ‘yung talent ko sa pag-adlib. Binigyan niya ako ng freedom. At the same time kay Direk Mae Cruz (Alviar) dahil siya rin eh. Siya ‘yung pangalawang nagtitiwala sa akin sa mga ganoong situation. And definitely Star Cinema, sobrang thankful ako sa kanila,” pagwawakas ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with