^

PSN Showbiz

Mga bagong programa ng ABS-CBN nasa youtube na!

Pilipino Star Ngayon
Mga bagong programa ng ABS-CBN nasa youtube na!
“FPJ’s Batang Quiapo

Handog ng ABS-CBN ang mas pinalakas na YouTube channel ngayong 2024 sa mga bagong palabas na magbibigay saya at inspirasyon sa mga manonood sa iba’t ibang parte ng mundo.

Nasa ABS-CBN Entertainment YouTube channel ang Kapamilya Online Live, kung saan available nang live at on-demand ang pinakahuling episodes ng mga primetime show na “FPJ’s Batang Quiapo,” “Can’t Buy Me Love,” “Senior High,” at ang inaabangang premiere ng “Linlang: The Teleserye Version,” afternoon dramas na “Pira-Pirasong Paraiso” at “Nag-Aapoy Na Damdamin,” “It’s Showtime,” “ASAP Natin ‘To,” at marami pang iba.

Mas pinalawak din ng ABS-CBN Entertainment ang kanilang YouTube channel para sa 46 milyong subscribers nito dahil patuloy na napapanood nang live at on-demand ang Philippine livestream ng Kapamilya Online Live sa Asia, Europe, Australia, at New Zealand.

Samantala, pwede na ring magcatch-up ang mga Pinoy sa Canada sa pinakahuling episodes ng iba’t ibang palabas kung saan available ang pinakabagong episodes nito isang linggo pagkatapos itong ipalabas sa Pilipinas.

Mababalik-balikan din ang iba’t ibang classic Kapamilya teleseryes sa pamamagitan ng ABS-CBN Superview. Para naman sa mga bagong “Made for YouTube” shows ngayong taon, dapat abangan ang youth-oriented series na Zoomers, BL reality dating show na Sparks Camp Season 2, at ang  Can’t Buy Me Love Exclusives tampok sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Kaabang-abang din ang mga pasabog ng Star Magic ngayong 2024 dahil mapapanood sa YouTube ang Star Magical Prom, Star Magic Hot Summer, Star Magic All-Star Games, at  Star Magical Christmas.

vuukle comment

ABS-CBN

YOUTUBE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with