^

PSN Showbiz

Kyle/JK handang mag-BL, Xyriel mas gustong kahalikan si Andrea kesa sa lalaki

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kyle/JK handang mag-BL, Xyriel mas gustong kahalikan si Andrea kesa sa lalaki
JK, Kyle, Andrea at Xyriel

MANILA, Philippines — Last two weeks na ang Senior High pero ni wala palang naging eksena sina Kyle Echarri and JK Labajo. Gulat nga raw sila kung ba’t ganun. Kaya naman pinarating daw nila ito kay Direk Onat Diaz. Pero wala pa rin.

Nanghinayang si JK dahil pakiramdam niya ay may chemistry sila ni Kyle.

In fact, sa lakas daw ng chemistry nila, pwede sila sa boy’s love o BL movie. “Sa totoo lang, ‘yung chemistry namin off-screen...” hirit ni JK. Dagdag ni Kyle “pwede kaming mag-team Poch.”

Kaya naman may sundot na tanong agad kay Kylie kung handa ba siyang gumawa ng BL (boy’s love) movie kung sakali.

Nakatawang sabi ni Kylie kay JK, “as long as you’re doing it. Sagot ni JK, “basta ako.”

Sad daw talaga siya na walang silang encounter ni Kyle sa naturang palabas na ang lakas ng naging dating at talagang tinutukan ng mga manonood.

Nagkasama na sila sa The Voice Kids kaya kumbaga may brotherhood na silang nabuo noon pa man.

At kung handa sa BL movie sina JK and Kyle, game rin si Xyriel Manabat sa girl’s love.

Yup, as in sa babae raw niya gustong unang makipaghalikan on screen lalo na nga at sooner or later ay kailangan din naman niya itong gawin.

“Feeling ko kung mag-o-oncam ako or onscreen na first kissing scene, gusto ko talaga sa babae. Kasi feeling ko, mas kumportable ako pag ganu’n,” pag-amin ni Xyriel sa ginanap na finale presscon ng series last Tuesday afternoon.

Ang explanation niya, “and feeling ko, walang ilangan, less issue, less hassle and experience siya, eh. So parang fulfilling po siya for an experience of an actress.”

At ang choice niyang kapareha : si Andrea Brillantes.

Aminado si Xyriel na nag-aasaran sila ni Andrea at sinasabi niya rito na gusto niya itong pormahan na kinakikilig daw ng controversial young actress lalo na ‘pag kinakantahan niya ito.

Game rin dito si Andrea. “Pansin ko lang po kasi, there’s a lot of BL (Boy’s Love) series now, hindi pa po masyadong madami sa GL.

“So, if ever lang naman po, I would be comfortable doing with my best friend (Xyriel). Kasi, magaling siyang aktres, eh. And madami kaming makukuha sa isa’t isa.”

Samantala, mabubulgar na ang lahat ng mga sikreto sa Kapamilya teleseryeng Senior High, na tumabo na sa dalawang bilyong views sa TikTok, sa paglabas ng katotohanan sa pagpatay kay Luna (Andrea Brillantes) sa inaabangang The Ender to Remember finale sa Enero 19.

Pagkatapos ng matinding imbestigasyon, malalaman na rin sa wakas ni Sky (Andrea) mula kay Obet (Kyle Echarri) kung sino nga ba talaga ang pumatay sa kambal niyang si Luna.

Iigting naman lalo ang mga puso para makuha ang pagmamahal ni Sky dahil pag-aagawan siya nina Obet at Gino (Juan Karlos), ang dating mga nobyo ni Luna. Pero hindi lang sila ang magpapakilig sa viewers dahil itutuloy ni Archie (Elijah Canlas) ang panliligaw niya kay Roxy (Xyriel Manabat), habang may posibilidad ding magkabalikan sina Tim at Poch (Zaijian Jaranilla at Miggy Jimenez).

Dapat din abangan ng mga manonood ang sunud-sunod na pasabog sa serye dahil tuluyan nang magwawala si Z (Daniela Stranner) sa Northford prom night dahil sa mga bangungot niya kay Luna. Maglalabasan na rin ang lahat ng mga baho nina Harry at William (Baron Geisler at Mon Confiado) na maaaring magdulot ng mas malaking sigalot sa pagitan ng kani-kanilang mga pamilya.

Patuloy na kinakapitan ng mga manonood ang mas tumitinding mga rebelasyon sa Senior High matapos makakuha ng all-time high na 179,305 live concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube noong Enero 3 na episode.

Mapapanood ang “ender to remember” sa Enero 19 ng 9:30  p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

vuukle comment

SENIOR HIGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with