^

PSN Showbiz

Sparkle, plantsado ang mga ginagawa

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon

Patuloy na pinananatili ng Sparkle GMA Artist Center ang imahe nito sa pagiging elite star builder. Sa loob ng 29 taon, hindi ito tumitigil sa paglikha ng mga pinakamaningning na pangalan sa showbiz.

Kabilang sa mga pinasikat nila sina Alden Richards, Heart Evangelista, Barbie Forteza, Gabbi Garcia, Julie Anne San Jose, Ruru Madrid, Bianca Umali, Sanya Lopez, David Licauco, Miguel Tanfelix, Ken Chan, Jillian Ward, at marami pang iba.

Sa pangunguna ni Ms. Joy Marcelo, Vice President ng Sparkle GMA Artist Center, at sa ilalim ng pamamahala at pangangasiwa ni Atty. Annette Gozon-Valdes, Senior Vice President ng GMA Network, patuloy ang talent management arm ng network sa pagbuo at paghubog ng mga artista upang maging angkop ang mga ito sa patuloy na nagbabagong new media at digital landscape.

Tulad ng ibang kumpanya, nahahati rin ang Sparkle sa ilalim ng iba’t ibang seksyon upang maayos na maorganisa ang mga gawain at makapagbigay ng mas komprehensibong serbisyo sa kanilang mga artista.

Ang Administration at Finance section pinangungunahan ito ni Senior Admin Manager Ms. Maricar Quizon.

Ang Talent Recruitment at Development team naman ang responsable sa pagpili ng mga may potential, pinamumunuan ito ni Jenny Donato.

‘Pag nakumpleto na ang recruitment process at pagpirma sa Sparkle, pangangasiwaan na ito ng Talent Managers na sina Ms. Tracy Garcia, Mr. Vicente Del Rosario, Mr. Daryl Zamora at Ms. Jan Navarro.

Kabilang din dito ang Talent Sales, Branding, at Marketing section na pinangungunahan ito ni Ms. Anne Puno-Ignacio, Assistant Vice President for Talent Sales, Branding, and Marketing, at Mr. Renze Banawa, Sparkle’s Senior Sales Manager.

vuukle comment

GMA

KEN CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with