^

PSN Showbiz

Cristine, humingi ng tawad kay Ara

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Cristine, humingi ng tawad kay Ara
Cristine Reyes at Ara Mina

Mahigit sampung taon na ang nakalilipas nang muntikan nang magsampa ng libel case si Ara Mina laban sa nakababatang kapatid na si Cristine Reyes. Humingi raw ng tawad si Cristine sa kanyang ate kaya hindi na itinuloy ang pagdedemanda noon. “I think ginawa ko lang Tito Boy, tough love. Because I am the ate, I want to teach her a lesson. Hindi tama ‘yon, hindi dapat tayo nag-aaway. If we have something na kailangang pag-usapan, hindi na dapat inilabas sa media. Dapat inside na lang, kasi at the end of the day magkapatid pa rin kami. Blood is thicker than water. Isang beses lang ‘yon but of course hindi ko naman gugustuhing makulong ang kapatid ko or something. It’s just to teach her a lesson. Pero hindi ko itutuloy ‘yon. Lumapit po siya sa akin. Nag-sorry siya noon, end of story,” pagbabahagi ni Ara sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Maayos na ang lahat ngayon sa pagitan ng magkapatid. Masayang-masaya rin si Ara sa relasyon nina Cristine at Marco Gumabao. “We are good. I’m happy for her kasi may nagpapasaya sa puso niya. I like Marco. Marami namang nakwento sa akin si Cristine na kung paano siya tratuhin at alagaan ni Marco. Natutuwa naman ako sa ginagawa niya sa kapatid ko,” dagdag niya.

Samantala, ngayong taon ay nagpaplano si Ara at asawang si Dave Almarinez na bumuo na ng sariling pamilya. Mayroon ng anak si Dave sa dating asawa at siyam na taong gulang na rin ang anak ni Ara sa dating kasintahan na si Patrick Meneses.

Matatandaang nagpakasal noong 2021 sina Ara at Dave. “We have so many goals this 2024. Baby, and ilo-launch na ‘yung business namin this year. Sobrang naiintindihan niya ang work ko and he’s very supportive. Dave, I can say na he’s very clingy. ‘Yon ang love language niya, cuddling. Sobrang sweet niya,” nakangiting pahayag ng aktres.

Direk Pepe Diokno, namamahalan sa bayad sa sine

Magtatapos na ngayong Linggo ang Metro Manila Film Festival 2023. Sinasabing nanumbalik na ang sigla ng mga manonood sa sinehan pagkalipas ng ilang taon na mayroong pandemya.

Para sa tinanghal na Best Director sa nakaraang MMFF Gabi Ng Parangal na si Pepe Diokno para sa pelikulang GomBurZa ay posibleng mas maraming Pilipino pa ang makanood kung ibaba ang bayad sa iba’t ibang sinehan. “Honestly, I find ticket prices a little too high and I think they need to be rethought. I think that as an industry, our goal should be not just to increase box office. I think box office is not a good metric. I think a better metric would be admissions to track how many people are actually going to cinemas,” makahulugang paliwanag ni Direk Pepe.

Ayon pa sa direktor ay mas kailangang tangkilikin ng mga kababayan ang sariling atin. Malaki umano ang maitutulong nito para sa ikauunlad ng industriya. “I think other countries for example, they have packages where they bundle films or have unlimited films for a certain amount. We need to love our own cinema. So that it grows and grows and then, eventually, hopefully, our industry grows to such a level that our films are being watched around the world,” giit ng direktor. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

ARA MINA

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with