^

PSN Showbiz

Matapos ang desisyon ng IPO... TAPE nangatwirang pag-aari nila ang Eat Bulaga

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Matapos ang desisyon ng IPO... TAPE nangatwirang pag-aari nila ang Eat Bulaga

Walang planong sumuko ang TAPE Inc. matapos magwagi sina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon sa laban sa Intellectual Property Office of the Philippines.

Kinansela nga noong Martes ng IPOPHL ang trademark registration ng TAPE Inc. para sa Eat Bulaga.

Kaya’t umaasa ang TVJ na paiiralin ng TAPE Inc. / Eat Bulaga ang respeto na pinairal daw nila nung hindi nila ito gamitin sa TV5 - E.A.T. ang titulong ginamit, pero ngayon ay kinakanta na ulit nila ang theme song nito.

Sinagot ito kahapon ni Atty. Maggie Garduque, sa isang mini-presscon sa APT Studios.

“ Kung nabasa n’yo rin po ang desisyon na inilabas ng adjudication officer ng BLA (Bureau of Legal Affairs) of IPO, wala pong nakalagay doon na dahil sa desisyon na ito ay pinagbabawalan na namin ang TAPE Inc. na gamitin ang Eat Bulaga. You can read the decision and it’s nowhere to be found po na mayroong nakalagay na ganun. Dahil sa wala pong nakalagay na ganun ay susundin lang po namin kung ano ang nasa desisyon,” umpisa ng abogado tungkol sa patuloy nilang paggamit ng title na Eat Bulaga.

Dagdag niya : “Kaya ang posisyon ng TAPE Inc. ay maari pa rin po naming gamitin ang Eat Bulaga sa aming show. Kasi nasa amin pa rin po ang trademark registration nito until such time na may pinal na desisyon na hindi na namin ito pwedeng gamitin, saka lang po ito hindi pwedeng gamitin ng TAPE Inc.”

Pinaliwanag pa niya nagpakita rin sila ng respeto : “Kaya nga po kung mapapansin n’yo, kahit may claim kami sa Eat Bulaga theme song, hindi ginamit ng Eat Bulaga ‘yun. Kasi nga po parang nakilala na ‘yung theme song na ‘yun na kinakanta nila.

“So ‘yung mga segment po na katulad po ng Pinoy Henyo, may registration po ang Tape Inc. for trademark of Pinoy Henyo. But while we did not use it, ginagalang naman po namin na nakilala si Mr. Joey de Leon as Pinoy Henyo, ‘di ba po. And we do not want to use that and to associate our show and that segment kay Mr. Joey de Leon kaya po hindi namin ginamit.

“So just to make it clear, we’re not using it not because we don’t own it or we don’t have any claim to it but because may bago na naman pong host, so iba na po ang timpla, iba na rin po ang atake. At hindi na po ninyo… parang ayaw na makita, na ma-associate pa siya, na parang katulad sa show ng kabila. ‘Yun lang po ang reason ng Tape Inc. for doing that,” sabi pa ni Atty. Garduque kahapon sa ilang entertainment press.

“I know that there are some calls sa TAPE Inc. to respect the decision. We are respecting the decision po and we are respecting the process... Kaya po umaapela kami sa Bureau of Legal Affairs director. It’s the same respect na kahit po para sa amin ay hindi man kami agreeable sa naging desisyon ay irerespeto po namin ang proseso, ang legal process at magpa-file po kami ng appeal.”

The other day ay nag-file na sila ng apeal kung saan ipinakita nito ang kopya.

Wala ba silang planong baguhin na lang ang title?

“Just like Showtime is associated with Vice Ganda, so ibig sabihin po ba nu’n kapag umalis na si Vice Ganda, dahil associated ang titulong Showtime kay Vice Ganda, igi-give up din ng ABS-CBN ang titulong Showtime? Given that logic, and given that argument, ganon din po ang Tape Inc. Ito pong pangalan na ito ay sa TAPE Inc. sa napakahabang panahon.

“‘Yung association po ng pangalan is hindi po masa­sabi kung ngayon, dahil nga po ngayon may mga bago nang hosts, in fact ‘pag nakita n’yo po si Yorme (Isko Moreno), ‘pag nakita n’yo po si Paolo Contis, Eat Bulaga na rin ang naiisip n’o.

“Ibig sabihin, ‘yung temporary association of the name kaya po ‘yan. ‘Yun naman po na sinasabi ko na mga segment, ‘yung mga kanta, dahil po nakalagay ‘yung mga pangalan nila dun sa kanta, ‘yun po ‘yung hindi namin ginamit. Pero po ‘yung titulo, every producer, lahat po ng producer alam po ito na pwede kang magpasok ng bagong hosts sa show mo, pwede kang maglagay ng iba’t ibang segment sa show mo na hindi mo kailangang magpaalam sa dati mong mga host.

“So ‘yun po ang pinaglalaban ng Tape Inc. Kaya po even if ‘yun po, ang Eat Bulaga po ngayon, may mga bagong hosts na, associated na rin naman po at tinanggap na ng taumbayan ang Eat Bulaga na ang mga bagong host, na ‘pag naiisip nila ang Eat Bulaga hindi na lang naman TVJ, ang naiisip nila sila Paolo Contis na, sila Yorme and ‘yun po ‘yung nakikita namin kaya tinatangkilik siya ng mga manonood and even the advertisers,” paliwanag pa ng abogado.

Pero aminado si Atty. Maggie na nagulat sila sa biglang paglabas ng decision na ‘yun ng IPOPHL.

Hinihintay pa nila ngayon ang resulta ng copyright infringement and unfair competition na isinampa nina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon laban sa nasabing kumpanya at sa GMA 7 sa Marikina Trial Court.

Showbiz couple na matagal nang hiwalay, may kanya-kanyang abogado na!

May kanya-kanya nang lawyer ang showbiz couple na kumpirmadong matagal nang hiwalay.

May sumubok diumano na ayusin ito, pero wala raw choice, talagang malabo nang magkabalikan ang dating mag-asawa.

Pero ikagugulantang daw talaga ng lahat ang mga pinagmulan ng kanilang controversial breakup.

vuukle comment

EAT

TAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with