^

PSN Showbiz

Dennis ginawan ng theme song ang pagkakaroon nila ng covid ni Jennylyn

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Dennis ginawan ng theme song ang pagkakaroon nila ng covid ni Jennylyn
Dennis Trillo

May COVID pa rin talaga.

At kasama sa mga kinapitan ng virus ngayong magpa-Pasko, ang pamilya nina Dennis Trillo and Jennylyn Mercado.

Idinaan sa kanta ng actor ang pag-amin na nagpositibo sila sa COVID-19 pati ang anak nilang si Dylan. Gamutin natin ‘to by Den & Den ang title ni Dennis. “Oh, ito na nga, tinamaan din ako. Akala ko’y hindi na tatablan nito. Ba’t nag-positive ako? Gamutin na natin ito.

“May bago na ngang uso. Pati na ang misis ko… May COVID kaming tatlo.”

Parang Ben & Ben ang approach ni Dennis sa kanta na siya mismo ang nagigigitara at kumakanta habang naka-shades at may suot na elmo headband.

“COVID is back Guys!,” aniya sa caption.

Dumarami ulit ang nagkaka-COVID. Ayon sa report kahapon ng Department of Health mayroong 1,821 additional COVID-19 mula Dec. 5 to 11 at nalampasan nito ang dami ng mga nagkaroon ng virus noong nakaraang linggo.

Ayon  pa sa bulletin na nilabas ng DOH, may average na 260 cases ang naitatala na daily cases na ibig sabihin ay tumaas ito ng  36% from Nov. 28 to Dec. 4.

Ayon pa sa nasabing bulletin na lumabas, 13 doon ang severe and critical illnesses.

Aww. Kaya ingat pa rin talaga dapat. Oo nga at parang ordinaryong sakit na lang ito, pero kailangan mo pa rin namang mag-isolate para ‘di na makahawa kaya hassle pa rin.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with