Beauty, ‘di pa matanggap na horror queen
“Pag nanalo ako ng award, that I can consider myself a horror queen. Pag hindi naman, ok na ako,” sabi ni Beauty Gonzales sa mga nagsasabing siya na ang bagong horror queen dahil sa pelikulang Kampon na originally ay si Kris Aquino.
Second choice nga siya sa pelikulang official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF), pero aniya hindi big deal.
Matagal nang planado ang pelikulang ito ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonzo, kumbaga four years in the making. “I really don’t mind. I take it as a challenge ‘coz she’s known to be a horror queen, so to be a second choice, I take it as a challenge na sana, I can do better than her and I can bring my best into this project,” paliwananag niya kahapon sa ginanap na media conference ng pelikula.
Pinagbibidahan nila ito ni Derek Ramsay na BFF niya ang misis na si Ellen Adarna.
“Hala, asawa pala siya ng best friend ko, pero sige, I’ll take the challenge. So, I’m happy to be here,” aniya tungkol sa mga intimate scene nila ng actor nang una niya itong malaman.
Umaasa si Beauty na lalaban sila sa resulta sa takilya. Pero ang wish daw talaga niya ay babaan ang presyo ng sinehan.
Ayon kay Atty. Joji magastos ang pelikulang ito na galing pa sa Australia ang make up artist sa kanilang prosthetics.
Mula ito sa direksyon ni King Palisoc at kasama rin sa movie ang child actress na si Erin Espiritu, Nico Antonio, Al Tantay, Kean Cipriano at introducing si Zeinab Harake.
- Latest