^

PSN Showbiz

KathNiel, parang national disaster ang breakup

Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
KathNiel, parang national disaster ang breakup
Kathryn and Daniel
STAR/ File

Take it‘Kaloka talaga na parang national disaster ang breakup ng KathNiel. Pero lalo akong naloka nang may magsabi sa akin na bina-bash daw ako dahil mas pinupuri ko raw si Andrea Brillantes kesa kay Kathryn Bernardo.

‘Katawa talaga dahil pareho kong gusto ang dalawa as a person. Hindi ko man sila ka-close sa mga nababasa at naririnig ko about them para silang mga mababait na bata kaya noon pa man gusto ko na sila.

Ngayon nga na very hot sa news si Andrea ang perfect time para ipakita niyang talented siya at hindi totoo ang ilang bagay na sinasabi about her.

Basta kung talagang sasamantalahin ni Andrea ang pagkakataon, now is her time. At talagang seryoso ako na ang sarap niyang i-handle dahil sa  issues niya. Exciting para sa isang publicist ang challenge to make over whatever harm na nagagawa nito sa career ng isang Andrea Brillantes. Bongga.

Alden, naka-13 taon na sa showbiz!

Ang bongga naman ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na naka-13 taon na pala sa industriya.

Binigyan siya ng mensahe ng Sparkle GMA Artist Center sa kanyang career milestone.

“From your humble beginnings to becoming one of the most respected and admired actors in the industry, you have truly come a long way, Alden Richards,” bahagi ng pagbati nito sa isang social media post.

Totoong malayo na ang narating at mararating ng aktor na nagsimula noon sa mga programa gaya ng Alakdana,Reel Love Presents: Tween Hearts, Indio, Carmela, Ilustrado at iba pa.

Pero hindi pa rin nagbabago ito at isa siya sa pinakamabait at magalang na artista na kilala ko.

Kaya payo ko sa kanya noon pa ay huwag niyang papansinin ang mga naninira sa kanya. Dahil kahit anong gawin nila ay hindi nila mapapabagsak ang isang Alden Richards.

vuukle comment

KATHNIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with