^

PSN Showbiz

Shaira, pakakasal na kay EA!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Shaira, pakakasal na kay EA!
Shaira Diaz
STAR/ File

Handa na pala ang aktres na si Shaira Diaz na pakasalan ang longtime boyfriend niya na si EA Guzman.

‘Pag dumating na raw ang oras na mag-propose ang aktor sa kanya ay solid yes daw talaga ang magiging sagot niya.

Pero meron siyang request at ito raw ay planuhin nila ang kasal pagka-graduate niya. Hindi na rin naman pala masyado matagal ang hihinta­yin ng aktor kung sakali dahil August next year ay graduation na ng girlfriend niya.

Very open pala ang magkarelasyon kaya lahat ay pinag-uusapan nila gaya na lamang ng kanilang timeline.

“Pinaplano namin, inaalam namin kung ano ‘yung magiging timeline ng bawat isa para alam namin kung ano ‘yung next move namin,” bahagi niya sa programa ni Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda.

Nangako naman daw ang boyfried niya na maghihintay ito kahit ilang taon abutin ang relasyon nila.

Ang bongga naman ni Shaira na supportive si EA sa kanya habang pinagsasabay niya ang trabaho at pag-aaral na kasalukuyang kumukuha ng marketing and management course.

Ang mga gaya niya ang dapat tularan ng mga kabataan sa showbiz.

‘Nothing is impossible...’

Life is not a bed of roses talaga. Imagine na kahit isang Alden Richards nagkakaroon ng depression.

Saka imagine na isang leader na tulad ni PBBM magkaroon ng lagnat at sipon sa gitna ng napakarami niyang ginagawa.

Naku tulad na lang nang pagkabigla natin ‘pag may namamatay na action hero na buong akala natin hindi puwedeng mamatay, ganun din ang buhay.

Nothing is impossible. Lahat puwedeng mang­yari. Kaloka nga na ‘yung akala natin hindi na maghihiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla after 11 years. Nabigla ang lahat.

Grabe talaga ang buhay, full of surprises.

vuukle comment

EA

SHAIRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with