^

PSN Showbiz

Maine, nakisaya in spirit sa pagbawi ng EB

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Maine, nakisaya in spirit sa pagbawi ng EB
Maine Mendoza
STAR / File

MANILA, Philippines — Wala si Maine Mendoza sa presscon ng TVJ kahapon dahil nasaktuhan daw na meron siyang ibang trabaho, pero sana raw ay andun siya.

Post ni Maine: “Ang saya. Wish I was here!!! Nasaktuhan lang may ibang work pero I’m with the #legitdabarkads in spirit, nakiki-bulaga din!”

Sinasabing isa talaga si Maine sa pinipigil ng TAPE Inc. na mag-stay sa kanila, pero mas pinili nitong sumama sa grupo ng TVJ.

At hindi naman ito nakalimutan nina Bossing Vic.

Aniya kahit inoperan ang mga ito ng dobleng TF, sumama ito sa kanila. “Ibang klase kasi ang naging samahan namin sa Eat Bulaga. It’s a lot more than the show itself, the title, kung anuman ang tawag diyan. ‘Yung samahan, pakisamahan, nabanggit nga ni Tito Sen, eh, ibang klase. Walang katumbas na halaga at mabalikan ko lang ‘yung salitang respeto, kasi aware sila, eh, aware lahat. Nu’ng kami ay mag-general meeting, lahat sila, narinig nila kung ano ang sinabi nu’ng mga producer nu’n, supposed to be owners, eh, nadinig nila kung ano ‘yung sinabi sa aming tatlo at kumbaga, eh, nagpakita rin sila ng respeto. At ‘yun naman, eh, highly appreciated. Pwera lang kay Jose (Manalo), napilitan lang itong isang ‘to, eh,” biro pa ni Vic.

“‘Yung mga ganyan, eh, ina-appreciate namin. Kumbaga, sumama sila sa laban. Laban ng katotohanan, laban ng hustisya kaya sa inyo, salamat, maraming salamat! Ayos ba Tash? (daughter nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na si Atasha Muhlach na sinasabing lucky charm ng programa).”

Sexy star na may-live in partner, tuloy ang ligaya sa mayamang pulitiko

Wow, tuloy pala ang kaligayahan ng sexy star at rich politician.

May ibang ka-live in na actually si sexy star na ang alam ng lahat ay sa kasal na ang ending ng kanilang relasyon. Pero hindi pala.

At ang pinupuntahan daw ng sexy star at rich politician, ang Amanpulo.

Recently ay spotted daw sila sa nasabing luxury resort.

Minsan daw ay hindi sila lumalabas ng villa at andun lang sila sa loob.

Two to three days daw silang nag-stay sa nasabing luxury resort at talagang chill lang.

Pero nakaka-shock ang chika dahil nga common knowledge na may live-in partner na si sexy star at ang akala talaga ng lahat ay wala na sila ng rich politician.

Well, baka gusto talaga ng sexy star ng lifestyle ng rich and famous kaya hindi rin niya talaga kayang talikuran ang mayamang pulitiko na nagbigay naman talaga sa kanya ng lahat-lahat kumbaga.

Kawawa naman ang live-in partner ng sexy star na ginagawa naman ang lahat para magbigyan siya ng comfortable sa buhay.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with