^

PSN Showbiz

Lito Lapid natakot i-bash sa laplapan nila ni Lt, gustong magpa-stem cell

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Lito Lapid natakot i-bash sa laplapan nila ni Lt, gustong magpa-stem cell
Sen. Lito Lapid at Lorna Tolentino

Ingat na si Sen. Lito Lapid sa kanyang galaw ‘pag may mga fight scene sila sa FPJ’s Batang Quiapo. Astig pa rin kasi ang kilos niya, parang ‘di tumanda.

Pero aniya baka sa isip niya lang ‘yun at iba ang sinasabi ng kanyang katawan.

Kaya naman nagpapasalamat siya na sa edad niya ngayon, 68, nakakalakad pa siya nang diretso at walang tungkod tulad ng ibang kapanabayan niya.

Leon Guerrero pa rin ang dating, lalo na sa mga eksenang ipinapanood niya sa ilang entertainment press kahapon.

Wala raw double, siya talaga ‘yun.

May ilan kasing nag-isip na baka naman double na ‘yun.

Naunang nakilalang stuntman ang aktor/pulitiko bago talagang naging mahusay na action star.

“Alam kasi ng tao, stuntman ako, kahit noong nag-uumpisa ako sa Jess Lapid Story, hindi tayo nagpapa-double,” paliwanag niya.

“Minsan gusto kong tumalon, minsan, tinanggal ang camera nu’ng direktor, sabi niya, ‘wag, hindi naman kailangan,’” kumpisal niya.

Bagama’t may mga iniilagan daw siya talaga.“Medyo umiilag na rin ako, siyempre, (may edad na rin, eh). Ang sinasabi nila, baka ma-Eddie Garcia ako, huwag naman sana. At ‘yun nga, nag-iingat na rin ako, baka ang iniisip ko, kaya ko, ‘yun pala, ang katawan ko, hindi na. ’Yun ang ikinakakaba ko,” pag-amin niya pa.

Pero ba’t parang ‘di nga siya tumatanda? “Vitamins lang siguro, mga vitamins, tapos konti sa pagkain, puro gulay, ganyan lang.”

 ‘Di kayo nagpupunta sa mga derma clinic?  “Hindi, wala.”

 Stem cell? “Wala nga, nagtatanong nga ako. Gusto ko rin, baka kako pwede na ako sa edad, eh, ‘di ba, pero kaya pa naman ng tuhod, eh.

“Kasi nga kailangan ng ensayo pinapawisan ka talaga, eh. ‘Yun talaga ang sikreto. ‘Wag kang tatamarin. ‘Pag tinatamad ka kailangang pilitin mo ang sarili mo.”

 So anong mga hindi mo kinakain?

 “Iniiwasan ko red meat. Pagtiyagaan mo na lang muna.”

 Kaya raw, handang-handa siya sa action, kahit pelikula pa ‘yan.

 “Oo, ‘yun naman ang ano ko... wala pa naman ako nararamdaman kasi nagtataka rin sila kasi mga sing edad ko minsan nakatungkod na, ako hindi pa naman. Sabi ko ‘salamat naman.”

At hindi lang fight scenes ang wala siyang double. Kahit sa kissing scene sumabak na rin ulit siya. With Lorna Tolentino.

“Syempre nung araw pinapangarap ko siyang maging leading lady, ‘di nangyari yon. Eh ngayon mga senior citizen kami, dun ko siya naging leading lady. Syempre ayun, syempre asawa ni Daboy (Rudy Fernandez) nung araw, sikat siya sa drama, hindi kami magkatagpo dahil dramatic actress siya.”

 Pinaghandaan n’yo ba yung kissing scene n’yo?

 “Hindi, pareho naman ayaw namin kasi baka ma-bash kami, dahil parehong senior citizen naghahalikan pa. E, hindi naman, parang nagustuhan naman ng mga tao, tinanggap naman,” sagot ng senador sa naging tikiman nila ni LT.

 Kaninong idea ‘yan?  “Kay Coco (Martin). Sabi ko nga kay Coco, ‘wag na, baka sabihin ng tao senior citizen na kami naghahalikan pa. Kasi nung normal pa ang mga pelikula ko noong araw, hindi ako nakikipag-kissing scene puro action lang ako.”

 So may aabangan pa bang kissing scene/s? “Baka.”

Parang kayo ang version nila nina Coco at Ivana Alawi sa Batang Quiapo?

 “Oo parang ganun. ‘Yun naman ang sinasabi ni Coco. Sabi ko ‘baka wala na kami rito, baka ma-bash-bash kami diyan.’ sabi niya, ‘hindi.’ Kamukha ng kay Angel Aquino, dun sa Probinsyano, may kiliti din yon. Kaya pinartner niya ako ulit sa... saka single naman si Lorna, ‘di ba.”

 Paano kayo na-convince ni Coco?  “Wala, kasi artista ako, eh. Kung anong sasabihin ng direktor, gagawin namin.”

 Takot ba kayo sa bashers?

 “Hindi naman kasi wala naman iba-bash sa akin. ‘Wag na lang magsalita ng marami, walang gagawin kaya ok lang,” sabi pa ng senador na ‘di napilit magsalita sa tanong kung kasal na ba sina Coco at Julia Montes.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

LITO LAPID

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with